Wednesday, December 26, 2007

Pasko Ko?

Dec. 24 10pm Habang naglalaro me ng online game eh nagkaroon kami ng kwentuhan! nagshare kami ng aming gagawin sa pasko. Nakwento ko sa kanila kung paano me magspend ng Christmas HEHEHE, akala nila pinagpalit ko daw yung paglalaro sa pagpunta sa province HEHEHEHE pero pinaliwanag ko naman sa kanila bat ako naiwan ngayung pasko.10:30pm nagsimula na me magpaalam sa kanila at sinabing matutulog na ako dahil pagod na ako at tapos narin naman ako kumain ng aking Noche Buena.


Bago ko tuluyang shutdown ang PC eh sumilip muna ako sa aking YM upang bumati ng Merry Christmas sa mga kaibigan ko! Nakita ko sa listahan ang aking classmate na online na nakalagay sa status nya eh " SPENDING CHRISTMAS with MY COMPUTER" Hayyyzz mukhang parehas ko lang ata siya! nagPersonal Message ako sa kanya at binati ko siya ng Merry Christmas! at nagpaalam na matutulog na ako. Ito ang reply nya sa akin " Tol pwede bang samahan mo me hanggang countdown ng Christmas?" HayyZZ sinagot ko naman siya ng " Sige na nga! Kahit inaantok na ako!" Hinintay namin ang countdown! Ngunit habang hinihintay namin yun eh nagkwentuhan muna kami kung bakit parehas kaming walang kasama ngayung pasko! Hahahaha NAgpalitan din kami ng comment sa friendster sa pagbati sa isa' isa ng merry Christmas! Nagkwentuhan din kami kung ano ang aming kinain at ano ang kinakain namin habang nagchachat! NAkwento ko na umiinom lang ako ng coke habang siya naman daw eh Beer at Junk food ang kinakain nya! hmmmm masarap nga naman yung junkfood sa pasko.

11:45 May nagmissedcall sa akin! Si Ahya pala akala ko kung sino na! BTW Ahya tnx sa pagbati! HEHEHEHE

10Secs nalang before Christmas at excited na kaming dalawa ng aking classmate na salubungin ito! Hayyzz kawawa naman kami parehas kaming magisa this Christmas! 12:05 na at nagpaalam na ako sa kanya sinabi kong matutulog na me at nagpasalamat ako sa kanya.

Bago me matulog eh nagtxt ako sa kanya at nagpasalamat sa pagsama nya sa akin nung countdown at nagreply naman siya na sa New Year din eh gawin namin yun!

12:10am Hindi parin nagtxtxt ang taong inaasahan kong magtxt sa akin >.< HUHUHUHU nakalimutan na nya ata ako :(. Ngunit dahil sa aking pagaalala eh nagtxt na ako sa kanya at binati siya ng Merry Christmas ^^. WIiiii!!! Agad agad naman siyang nagreply at sinabing " Waw!, akala ko kinalimutan mo na ako!" Waw naman talaga hinihintay nya rin pala txt ko >.< Anu bayan!


Dec. 25 11:59pm Nagtxt Ulet ako sa kanya at Sinabi ko na Sana ako ang huling babati sa kanya ng Merry Christmas sa taong 2007 ^^. Kaso nagreply sya umaga na! tulog na raw kasi siya eh :))





Merry Christmas and Happy New YEar!!

Thursday, December 13, 2007

My Christmas WISH LIST

This coming Christmas I want all this things ^^


1.IPOD-Nasira kasi ang MP3 ko huhuhuhu, gusto ko mapakinggan ulet ang mga favorite musics ko >.< . Iba kasi ang music sa headphone kesa sa SPEAKER.(P 10000)

2.Love Life- Hahahahahahaha 0% kasi ^^ till now tsk tsk(Can't buy)

3. Router- WAla kasi ako nyan ^^ nahihiya kasi me mag ask sa dad ko baka sabihin nun inaabuso ko siya >.< (P3000)

4.ROK POINTS- Pambili ko ng equips ko sa Ragnarok tsk tsk * DI ako adik dun noh!!(P5000)

5.CASH - Practical me na tao kaya CASH CASH CASH!!(P5000)

6. Vacation with my FAMILY and FRIENDS- Gusto ko mag out of town then swimming para matanggal ang stress tsk tsk tsk >.< stress free worry free ^^(Can't buy din!)

7. 100% Pure T-shirt of YFC- Gusto ko lahat ^^ Astig kasi eh ^^ Collection ko sana(Di ko alam kung magkano lahat)

8.Cat- Gusto ko ng pusa >.< sawa na kasi me sa ASO^^ Gusto ko kamukha ni GARFIELD HAHAHA Pero wag naman yung tamad.


Yan lang siguro >.< <--unti lang naman tiba?

Magbibiyahe kaba?

Pare1:TOl magpapasada kaba?
Pare2:Uu naman sayang din ang kikitain ko, pangkain din namin ng aking pamilya yun.
Pare1:Tama ka jan kung walang biyahe eh baka magutom pamilya ko.



Wa!! First time kong makakaranas ng Strike simula nangpumasok me sa College! Kaninang morning eh maaga me gumising para lang siguraduhing mayroon akong masasakyan. NAgmadali pa naman me ngunit nang dumating me sa Terminal ng FX eh parang karaniwang araw lang! Ganun parin mahaba ang pila ngunit mabilis naman ang pagusad nito.


Sa aming kalyeng dinaanan eh kakaunti lang ang mga jeep, kaya naman maaga me nakarating ng school dahil walang traffic tsk tsk..

Habang nasa school me eh iniisip ko pano me uuwi eh may strike nga pala! patay tayo jan ^^ ngunit nagkamali ako sa aking inisip sa aking pag-uwi eh parang walang nangyari ganun parin same as the old times Hayzzz Anu bayan! Excited pa naman ako dun sa 56 na bus na nilabas ng MMDA para lang sa mga commuters ^^ tsk tsk sayang talaga.

Wednesday, December 12, 2007

MY COMMENT!

Uyy narinig nyo ba yung balita tungkol sa RAtings ng ating HEad OF State? Well siya nga naman daw ang pinakataksil na presidente ng Pilipinas! NGunit sa post kung ito eh ilalahad ko ang aking komento tungkol diyan! WALANG PAKIALAMAN MOMENT KO TOH!


@Kuwait at SAUDI

Saan ka nakakita ng HEAD OF state na pumunta sa Kuwait at Saudi Arabia para personal na humingi ng tawad sa EMIR at King ng dalawang Muslim country na yan? NI si MARCOS o SI AQUINO hindi nagawa ang mga yan para lang mailigtas ang BUHAY NG ISANG TAO? DUh!! Buhay lang ng isang tao yan! Pero para sa kanya! Bawat buhay ay mahalaga! Umalis siya sa Pinas na may kasamang mahigit 100+ na tao lamang ngunit nung bumalik siya ng PInas eh lagpas 500 na ang kasama niya. Sino ang mga iyon? Yun lang naman ang mga Pilipinong pinalaya ng Hari ng Saudia Arabia, Yun yung mga PInoy na nakulong dahil sa mga pagkakasala nila doon. "BAWAT Buhay ng isang PILIPIno eh mahalaga para sa kanya"

-Ngunit bakit ang dami paring batikos sa kanya?

@OIL price HIKE

Utang na loob naman talaga! Ano ang kinalaman ng pagtaas ng presyo ng oil sa PALASYO? DUHHHHHHHHHHHHH!! NAAlala ba ng mga Transportation group na yan na sila ang nagpatanggal ng LAW para KOntrolin ang pagtaas ng presyo ng OIL sa Buong pinas? Iyan ay nasa PAnahon nila CORY noon kung inyong naalala, "ngunit bata pa me niyan kwento lang sakin yun" NGunit ano na ngayun ang SIGAW ng mga transportation group na yan? GUSTO NILANG IBALIK ANG LAW NA PINATANGGAL NILA BEFORE! Ang nilalaman ng law na yun eh PAra makontrol ng palasyo o gobyerno ang pagtaas ng oil sa PINAS, ngunit noong pinatanggal na yung law na yan nung kay CORY eh ang mga PRivate companies na ang may hawak ng presyo ng OIL! KAhit bumaba pa ito sa Ibang bansa eh ayaw parin babaan ng mga PRivate companies ang presyo ng oil sa atin dahil malaki ang kanilang kikitain! At hindi rin sila magkakaroon ng rivalry sa presyo dahil magkakasosyo naman ang mga yan! kaya pareparehas ang presyo nila.

-Anung kinalaman ni Little Lady sa OIl?
Answer:WALANG WALA,doon sila magwelga sa mga private oil companies


@ETAX

SAan nga ba napunta ang tax natin? Kung hindi man sa bulsa ng mga walangya eh yung iba naman eh napunta sa magandang paraan ^^,Iyan ay napunta sa pagbayaad ng utang ng pinaS. Alam naman natin na hindi lang sa world BAnk ang Utang ng piNAS mayroon din tayong utang sa ibang International ORGANISASYON! Yung mga utang sa mga organisasyong yan eh jan napunta ang pera natin, ibig sabihin bayad na ang utang ng PINas sa iba ngunit sadyang mataas lang talaga ang utang sa world bank kaya hindi pa masiyadong bayad iyon.
-BAkit kaw? UUtang karin?



@Trillanes

Kung ako ang tatanungin eh dapat siyang PARUSAHAN TALaGA! EH REBELLION YUNG ginawa niya eh! Ang masakit pa doon eh ISA SIYANG LEADER NG PINOY, SENATOR SIYA EH!, hindi naman siguro siya ibinoto para gayahin ang pagwalk out niya at panggugulo niya sa mga HOTEL tiba? Bakit nga ang tambay sa kanto kapag may nagawang kasalanan malaki na ang parusa SENATOR PA KAYA? na napakalaki ang kasalanan? HAYZZzz KUng sa OAKWood tapos Manila Peninsula! SA susunod baka naman Hotel SOGO na yan o baka naman sa Victorias SEcret na yan pumunta? DAmi ring pagkain dun noh!
-"There is no patch for stupidity"-Kevin Mitnick


(SERYOSO MODE)
Hindi ko naman Kinakampihan ang Gobyerno o Si GLORIA! SAdyang gusto ko lang kampihan ang alam kong tama at kung ano ang aking nakikita sa aking paligid! tsk tsk

My Christmas

Finals namin starts Dec 19-21, Yung flight ko dapat papuntang probinsya eh 17 >.< AwtZ Isa lang ang ibig sabihin niyan! Maiiwan ako dito kasama ang aking kapatid na may sarili nang pamilya at doon magspend ng Christmas kasama nila. Hays sayang naman talaga oh! Minsan na nga lang umuwi ng province eh udlot pa >.< Masarap pa naman dun! Marami kasing pagkain at stress free, malayo ka sa mga problema dahil ang makikita mo doon eh puro BUKIRIN! Sa IloIlo kasi ang aming province eh alam naman ng lahat na hindi pa ito URBANISADO kaya ganun talaga ang kapaligiran doon.



Awtz nga naman talaga ang 0 love life 0 din sa Acads dahil mababa ata ang grade ko ngayun! Tapos magcelebrate kapa ng Christmas na puro hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo! HUhuhuhu Anu bayan! Pero okz lang KAhit wala akong White Christmas ngayun o kaya naman eh KAhit hindi Warm ang Christmas ko dahil kasama ko naman ang PC ko ^^ YEY! Nabuhayan ako ng pag-asa! Ihiwalay na ang lahat sa akin wag lang ang aking PC! MAgkakaMATAYAN TAYO JAN!!

Sa PC ko lang kasi madalas nalalabas ang sama ng loob ko ^^ . Ayos tiba? Ayaw ko kasi magsabi sa ibang tao, kung bakit? ewan wala lang nakakatamad makipagusap eh sulat ko nalang dito tiba? Hehehe may pashy type pa kungwari pero sa totoo wala akong hiya! Hehehe ewan ko Kasi kahit ako eh hindi ko alam ang aking ugali! may pagkamoody kasi ako kaya ganun ^^ well tinatamad na me magtype ^^ tsk tsk


May you Have A WHITE CHRISTMAS

Monday, December 3, 2007

FEU EAC student Survey!

1. what is your student number?

>>2006-08147

2. what course is your first choice?

>>i really wanted to take up Business Administration. I just get interest with the name I.T. thats why i took it up.
3. second choice?

>>FINE ARTs! kahit wala akong alam sa drawing hehehe nagagandahan kasi me sa gawa nila eh >.<
4. what course have you finished?

>>OOOPPSSS im just 2nd year College student hehe
5. have you ever shifted out from your course?

>>Nope nope nope

6. are you chinito/chinita?

>>nope.100% pure Pinoy

7. have you ever stayed in a dorm?

>>Nope din ngunit yung nanay ko gusto yata ako pagdorm :(

8. have you ever received 1.0 on your grade slip? (western point system)

>>Wala pa naman

9. how about 2.0? (western point system)

>>Yes I already have hehehe

10. do you always attend your classes?

>>Of course! sAyang ang Baon at oras ko noh!

11. do you have any scholarship?

>>NOPE i'm just a simple student eh

12. how many units have you already passed?

>> i dont know >.< its in my Registration form

13. have you ever dreamed of graduating with honors?

>>Nope , i just want to graduate >.<

14. who is/are your favorite professor/s?

>>MAm Manuel :))

15. who is/are the worst teacher/s?

>>Modcom2 teacher >.< She's a gay >.<

16. what is/are your favorite subject/s?

>>MWEDES!!! Flash Flash flash

17. what is/are the worst subject/s

>>MATH!! ALl math subjects hmppffff

18. what is/are your favorite building/s?

>>Technology building! There is so many tables for me to sleep heheh

19. where do you often eat?

>>Plato-masarap kumain jan lalo na kung nakakutsara at tinidor ka, HEHEHE sa WENGS!-masarap kasi talaga dun yun ngalang magaamoy sizzling ka.

20. what is your mode of transportation when going to the school?

>>Jeepney-bayan, FX-BLumentritt, then Jeepney-Morayta! HUHUHUHU

21. do you often go to the library?

>>I just go there to study and to have a photocopy that's all

22. have you ever been inside the clinic?

>>Yes, my first medical examination hehe

23. do you have any crush inside the campus?

>>Oppss /gg secret!! HAHAHA MERON BAKIT? palag ka?

24. what p.e. subjects have you taken already?

>>physical fitness, arnis, table tennis, social dance

25. how are your blockmates?

>> i23? OKz lang as long na tahimik sila at wak nila me pakialaman sa pagtulog ko hahahaha, Marami din kaming bonding moments nohh!!


26. have you memorized the school hymn?

>>May hymn ba kami? tsk tsk ewan di ko ata naririnig pa yun

27. are you a member of the varsity team?

>>MAgpiko nalang kaya tayo? Hehe di me varsity eh

28. have you ever got a perfect score in an exam?

>>/GG KAhapon sa OBjprog!! naka perfect ako!! BWAhahahahah galing ko tsumamba!

29. is this where you have first tried drinking beer or smoking?

>> I haven't tried smoking pero drinking? nung bata pa! Kasi kapag may okasyon sa house may mga wines HAHAHAHAHA pero beer?? NO WAY ayaw ko lasa nun eh hehe

30. is this where you have first fallen in love?

>>Nope sa ibang section hehehehehe nung mga around 3rd term namin hahahahaha

Ewan ko ba?

WII!!! for the first time eh naka 100 ako sa aming long quiz sa Objprog!! Hehehe achievement sakin yun dahil hindi madali ang subject na yun para sa akin >.< Todo programming kaya yun ng JAVA /sob /sob


Anyweiz hindi yan ang paguusapan natin dito. Nung sunday morning eh pinagalitan ako ng tatay ko dahil maaga daw ako gumising. MGa 8am? maaga paba yun? Sinabihan nya me na dapat magsimba daw ako sa Monday. Ewan ko kung bakit!! Nung Monday ng gabi after ng class ko sa Eskwelahan eh nalaman ko palang magooffer ang pamilya namin sa simbahan kaya pala ako pinagpipilitang magsimba na hindi ko naman karaniwang ginagawa.


Wiii Nararamdaman ko na talaga na malapit na magpasko, hindi dahil sa bagong baryang lumalabas ngayun kundi sa dami ng tiangge sa labas ng aming parokya. May puto bongbong,laruan,barbecue,damit, popcorn, at kung anu ano pang pwedeng ibenta na nabibili naman sa divisoria. Napakalamig talaga sa labas ng bahay parang gusto ko nga magjacket ngunit tinatamad ako dahil hahalukayin ko pa ito sa aking drawer.

Nung malapit na magoffering eh hindi ko alam kung saan ako pwepwesto nyay!! Panay tingin kasi ako sa paligid dahil ngayun lang me ulet nakapasok ng parish church namin hehehehe pasaway talaga me, ganito kasi yun! Tuwing linggo eh maaga me gumigising hindi para magsimba kundi para buksan ang PC at titigan ito hanggang sa sumakit ang aking mata at kamay sa kakapindot ng mga simbolong nakaukit sa aking harapan. Hehe Bad talaga me nyay! Ewan ko ba kung bakit ako ganyan hehe.

Teka anu paba ang ilalagay ko dito??? WIii uu nga pala kaninang morning eh napakahirap ng quiz na binigay sa amin nyax... badtrip panay shortcut keys ang quiz wala pa naman me alam dun sana lang tama yung mga pinaglalagay ko dun ha! Buti nalang at may enumeration hahaha! buti nalang talaga!! MAaga din me natapos sa quiz at umuwi para matulog ngaunit naudlot dahil magsisimba nga daw kami hayzz Kawawa naman me talaga..




Tulog muna me HUHUHUHUHU

Sunday, December 2, 2007

ZzzZZ

Boy1:may gawa kanaba?
Boy2:wala pa nga eh
Bo1:dami kasi pagawa ni sir eh
Boy2:UU nga
Boy1:kulang nalang patayin nya tayo!
Boy2:hayz





Hayz itong mga nakaraang week eh ang daming pinagawa sa amin ng aming prof. Mga case studies at assignment na kung hindi mo check ang mail moeh hindi mo malalaman. Mabuti nalang at medyo interesante ang mga pinapagawa nya sa amin. Ito ay ang mga Flash exercises, Hindi man ako magaling sa flash eh natutuwa parin ako dahil gumagalaw sila! hehehehe iba talaga gawa ng technology noh?


Inaral rin namin ang history nito at kung anu anung mga pangalan ang pinagdaan nito.
Last week eh pasahan din ng aming project! Ito naman eh tungkol sa JavaScript! Gumawa daw kami ng ONLINE shopping at ONLINE QUIZ! Hayz Ang sakit sa ulo nun, ilang araw me na walang tulog dahil sa kagagawa ng online shopping! SA akin kasi nakatoka iyon, yung ibang kagroup namin eh sa mga design! Amf wala nga akong logic sa akin pa napunta yung shopping na yun? Requirements daw ang cart catalog at kung anu ano pa! Dahil wala ako maisip eh ginawa ko nalang na product ang sapatos at Accessories! HEHEHEHE. Pagkatapos ipasa ang project eh agad akong umuwe at natulog ng natulog!

Sa di inaasahang panahon eh niyaya ako ng pamilya ko na pumunta ng Global FUn Carnival! yung Nasa MOA? Hayz bwisit bitin ang tulog ko! Nung naruon na kami eh saktong may mini concert si JAya! Hehehe astig nakita ko siya ng personal kahit hindi ako interesado sa kanya! Ngunit habang lumalalim ang gabi eh lalong sumasakit ang aking ulo sabay ang hilo! Buti nalang at may table at doon ako natulog! Buti nalang din eh kumakanta si Jaya dagdag pangkalma sa aking sumasakit na ULo.Mga 10pm na kami umuwi nun! Amf malayo pa ang biyahe taga novaliches kasi kami! Wala akong ginawa sa Van kundi matulog hanggang makauwi ng bahay!

Pagkarating sa house eh una kong pinuntahan ang sala at binuksan ang T.V. para malaman ang palabas! Nung nakita ko wala namang magandang movies eh LIntek pinatay ko na at natulog na lang me ! Hat salamat at makakapagpahinga na me ZZZz





NYT NYTZ

Friday, November 23, 2007

Bluz CLuz

Boy1: Amf ang si sir talaga oh, pumasok lang sabay sigaw ng class Dismissed!
Boy2:UU nga eh sayang pa naman at nag-aral ako, may short quiz daw kasi.
Boy1: HAy naku tinutulugan ko lang mga yan!
Boy2:Ewan ko sayo!




Grabe! Hanggang ngayun eh binubutas at ginagawa parin ang daan papunta sa aming tirahan! Tuwing umaga nga eh maaga ako nagigising at before 5am eh dapat nasa pila na ako ng FX sa amin! Kasi naman kapag late kanang pumunta doon eh mahaba na ang pila!

Minsan nga eh malapit na akong makasakay nangbiglang sinabi ng operator sa amin na humanap nalang ng ibang route para pumunta sa manila dahil ayaw na daw ng mga drayber na bumiyahe dahil may nahulog na truck sa hukaY!!! Amf nga naman wala akong choice kundi pumunta ng fairview at doon sumakay papuntang school! Nitong mga nakaraang araw eh madalas na akong nalalate dahil ang hirap kasi sumakay sa umaga! Hindi lang sa umaga iyon kundi sa pag-uwi din! Kelan kaya matatapos ang paghuhukay nila at pagaasphalto ng daanan dito sa amin? Nagsimula iyan noong election pa ng mga Senador! Eh tae naman oh! Tapos na nga election ng SK wala paring nangyayari? Huhuhuhuhu Hanggang kailan kaya kami magtitiis at patuloy nang binubutas ang aming mga bulsa dahil sa layo ng biyahe.


Kanina pag-uwi ko sa aming bahay eh biglang tumawag ang katulong ng aming kapitbahay! Ang sabi niya eh gusto daw nila ako papuntahin sa kanilang bahay kasi may problema daw! Awtz!! Anu kaya yun? agad akong nagbihis at dumiretso sa bahay nila! Pagbukas ko ng pinto eh nakita ko ang anak ng aming kapitbahay na nanunuod ng Bluez Cluez! hehehe! Astig nga eh kasi dati pinapanuod ko rin iyon. Sinabi sa akin ng kasangbahay na umalis daw ang mami ng bata at iniwan nakabukas ang computer! Teka anu nga ba ang problema? Ito Yun! Hindi nila alam kung paano patayin ang pc.............. Yun pala ang kanilang problema! Agad kong shinutdown ang PC, nangnapatay ko na ang PC eh bigla pa namang umiyak yung bata!!! AAAAAAAAAAWWWWW Feeling ko ako ang may kagagawan ng kanyang pag-iyak!! UU nga pala nanunuod siya ng Bluez CLuez tapos bigla ko nalang shutdown!! Bastos talaga me hmffff.... KAwawa naman yung bata! Alam ko ata ang feeling ng ganun! Bigla nalang patayin ang pinapanuod mo hmm how sad! Anyweiz after nun eh bumalik na me ng house para gumawa ng aming proyekto sa paaralan!

BOW!!

Saturday, November 17, 2007

Anu yan?

Mahirap magpasok ng pagkain o inumin sa aming paaralan

Kung kaya't marami akong ginagawang paraan para lamang makapagpuslit ako ng fud.
Tuwing umaga eh bumibili ako ng candy at nilalagay ko sa secret pocket ng aking bag, hindi kasi pwede sa bulsa dahil kinakapaan ka minsan. Isang beses nga eh nahuli akong may candy sa aking bulsa, pinalabas ito at sinabi ng guard na bawal yan at iiwan ko nalang daw sa table nila! Tae ba sila!! Hindi ko binili ang mga iyon para lamang ibigay sa kanila! Minsan nga eh nakikita ko ang loob ng kanilang table tuwing 7pm na ng gabi. Marami ang naiiwang pagkain dito at kung suwerte kapag hindi kinuha ng mga studyante ang mga iyon eh sa kanila na ang mga pagkaing iyon.

Isang beses eh wala akong dalang bag paglabas ko ng school, bigla nalang nagyaya ang classmate ko na bumili kami ng pagkain!Ang ginawa ko eh nilagay ko ang ChocoMucho sa loob ng aking T-shirt! Phew buti nalang hindi kinapa pati damit ko hehehehe.

Hindi lang pagkain o inumin ang bawal ipasok sa loob ng school,bawal din ang mga wlang permit na malalaking gadgets, yung tipong kelangan mo pang isaksak para gumana?
Kung sa bagay tama nga naman yun dahil di natin alam eh pagsinaksak mo bigla nalang magshort circuit at mabrownout mo pa ang buong school.

Hmmm wala akong mailagay pang matino dito! Ito nalang! Kahapon ay ginanap ang Prayer Meeting ng YFC-FEU-EAC chapter sa room a403, nung una eh akala ko wala na talagang darating! NAgtext brigade pa naman ako :( , Buti nalang eh habang tumatagal isa isa nang dumating ang mga bisita! YEY dumarami na kami! Maganda ang talk sobrang astig.

4F

F-fun
F-Friendship
F-Freedom
F-Faith


Lahat ng iyan ay GOD centered! hehehehe

Marami akong natutunan sa PM na iyan. Tulad ng magsipag sa pag-aaral! hehehehe

Pagkatapos ng PM eh bigla nalang akong tumakbo palabas papauwi! dahil 7pm na ng gabi at malayo pa ang aking tirahan mahigit 2hrs ang biyahe! Sa aking paghihintay ng FX eh inabot ako ng 8pm bago makasakay! Ang dami kasing tao at kakaunti lang ang bumibiyahe NG FX dahil sa traffic! Utang na loob ! kelan kaya matatapos ang mga ginagawang kalsada dito sa Novaliches? Ang haba na kaya! Kung kaya't naman eh parati nalang traffic at ginagabi na ako sa aking pag-uwi! haaaaaaaaazzz





NEH

Monday, November 12, 2007

Grounded

There is no such creation in this world that can separate us from the Love of our God




Titser:Ok class hawak ko na sa aking mga kamay ang resulta ng inyong Long quiz,
epal1!
Boy1!
epal2!
epal3!
Boy2!
.... so on

Boy1:oi kumag! anung score mo?
Boy2:70,bakit?
Boy1: HAHAHAHA BOBO mo! WIK ka WIk!
Boy2: bakit ilan kaba? 72!
Boy1: Sows!!! 2 points lang eh!
Boy2: Eh basta mag-aral kapa!! para mataasan mo ko!
Boy1: Sige nalang!


Sa eskwelahan namin eh pabago bago ang mga subject kada year! Ito ay dahil technology change fast daw at kelangan namin maki ride sa pagbabago. Ngunit ang nababago lang naman talaga eh ang pangalan ng subject pero hindi naman ang tinuturo, dahil minsan eh paulit ulit lang ang mga quiz at Exercises na binibigay sa mga higher level. Kung kaya naman eh talamak din minsan ang pasahan ng mga reports at exercises.

Meron kaming subject na kung saan eh bubuksan mo ang CPU at kakalikutin mo lang ito ng paulit ulet.Individual ito ngunit nang makita nang professor namin na nahihirapan ang mga babae sa pagtanggal ng mga lamang loob ng CPU eh ginawa nalang niya itong by partner. Si ate ang partner ko, parati siyang late kung kaya nama ako ang madalas ang nagaabono sa mga pagphotocopy ng aming laboratory. Siyempre mabait naman ang lolo mo kaya libre ko nalang yun!

Isang beses sa aming experiment eh kelangan naming etesting yung power supply, hala! nagmagaling ang isang studyante ayan! Pumutok tuloy! Hehehehe Nagulat ang lahat sa nangyari! Pati ang prof namin eh mukhang tensyonado at hindi alam ang gagawin! Well kami naman ni ate eh walang ginawa kundi titigan ang aming power supply. Napagisipan nalang ng prof namin na siya nalang ang gagawa ng experiment at kopyahin namin ang sagot sa kanya! Mabuhay!! Buti nalang di pa kami nakakapagsimula ni ate kaya ayun! Todo kopya sa gawa ng prof namin at para lang kaming kumokopya ng sulat niya sa White Board!

Hindi malayo sa aming kurso ang mga accidente! Minsan habang ako ay naglalaro eh bigla nalang namatay ang PC kow. Chineck ko ang lahat ngunit wala naman! SIyempre para naman may masabing may natutunan ako sa subject ko dati eh nagmagaling na ako! Binuksan ko ang CPU ngunit nung paghawak ko sa isang cable eh dumampi ang aking kamay sa isang parte ng cpu! ARAY!!!!! bigla akong napatayo at nauntog sa table! huhuhuhu ang sakit sakit ng ulo ko Nyay! sa sobrang pagmamagaling eh nakalimutan ko palang tanggalin ang saksakan! Biglang pumasok sa aking makitid na utak na dapat pala pagkapatay sa pc eh, tanggalin ang saksakan at maghintay ng mga 10mins upang mawala ang kuryente! Salamat sa aking prof at naalala ko iyon! Buti nalang pala kahit hindi me nakikinig sa kanya eh may pumasok parin sa aking brain! hehehehe





Mianhamnida

Sunday, November 11, 2007

NaKaKaIniP nA!

boy1:pang ilang number na ang tinawag?
boy2:154 na.
boy1: ahh malapit na pala ako.
boy2:bakit? anu ba ang number mo?
boy1:1464
boy2:ahh unti nalang pala mga 1310 nalang na studyante ang kanilang kelangan asikasuhin bago ka.




2 years nalang! at makikita ko na ang sarili kong naglalakad sa entablado at nakasuot ng itim. Ngunit datapwat hindi pa siguradong 2years ang graduation ko, dahil wala pa riyan kung babagsak ako at magiging irregular student.



Sa simulat sapul pa lamang ay hindi ko na agad nagustugan ang pagiging I.T. Bigla nalang kasi ako tinamad! Pilit ko nalang sinasabi sa sarili ko na 2years nalang at tapos na ang aking paghihirap. Wala na kong iintindihin na mga assignment, project,seatwork,exams,midterm,longquiz at kung anu ano pa.



Utak ko ay nasa business ad.
Puso ko ay nasa fine arts
Ngunit ang aking kamay ay nasa Information Technology.


Sabi nga ng classmate ko eh habang maaga eh magshift na raw kami. Nyee 2nd year na kami maaga paba yun? Sayang naman ang oras at perang ginugol para sa akin kung basta basta nalang ako magshisift. Kung kaya't napagisipan ko nalang na pagkatapos ng I.T. eh maghahanap agad ako ng trabaho at mag-aaral ulet.


Mahirap Pilitin ang sarili kung ayaw mo talaga. Hindi mo pwede sabihin sa sarili mo ng paulit ulit ang salitang "unti nalang" dahil mahirap ata controlin ang sarili minsan. Para kalang adik nyan na paulit ulit pinipilit magbago ngunit nahihirapan lalo.


Kapag nasa paaralan ako may mga oras minsan na kung saan eh nakakaramdam ako ng pagkainip. Four hours pa naman ba ang break mo eh. 30mins. para kumain the rest puro kwentuhan,tulog,aral,gawa assignment, o ang walang kamatayang comlab na kadalasan naman ay may nakapaskil na malaking salitang NO INTERNET.Kaming magkakaibigan ay walang ginawa kundi ang matulog sa fourth floor lobby. Hindi kasi bawal matulog doon, hindi tulad sa library aircon ngunit sisitahin ka ng Nakabantay doon at kung mamalasin eh DO pa ang abot mo.


Rock,Emo,accoustic,RNB,alternatives,hip hop! yan ang aking madalas na napapakinggan sa ipod ng classmate ko, utang na loob naman kasi kahit paulit ullit kung pinakikinggan yan eh wala naman akong magagawa, ayaw ko atang tumunganga nalang sa isang sulok ng lobby at titigan ang bintana. Masmabuti pang magdrawng nalang at magsulat ng kung anu ano.


Yeoboseyo....

Friday, November 9, 2007

HuLi Ka!!!

Tagged by REYN
3 Thingz I woNt leT GO!


1.Family and Friends!
Hindi ko maimagin ang buhay ko kung wala sila sa aking paningin! Hindi naman sa umaasa ako sa kanila ito lang ay dahil gusto ko lang maramdaman na nariyan sila parati sa akin at hinding hindi nila ako iiwan lalo na kung akoy nalulumbay.
2.Siyempre ang Walang kamatayang cHocolaTe!
Kung Gusto mong magLive longer huwag na huwag mong pakekealaman ang pagkain ko! Pero hindi naman ako madamot kung gusto mo rin ng chocOlate eh hala sige shAre nalang tayo! Kahit anung brand basta may choColate ayus sa akin yun!("kaya siguro nasisira na ngipin ko huhuhuhuhu").

3. And The Best! Siyempre SI GOD!!
Utang na loob naman alam naman natin ang rason kung bakit siya ang hindi ko kaya i Let GO.Unang una eh maraming nangyari sa aking Life nanG makilala ko siya ulet. Siya yunG tipong Hindi ako iiwan kahit talikuran pa ako ng BUong mUndo. KAhit Hindi ko siya naKikitA eh Nararamdaman Ko Naman na nariyan siya sa aking tabi sa pamamagitan ng mga taong malapit sa akin.


Eoseo oseyo

Wednesday, November 7, 2007

Umaga na naman?

Hayy kay sarap nga naman gumising tuwing umaga. Simula Tuesday hanggang Friday ay 7am ang aking class. Kung kaya't wala akong choice kundi gumising ng 4am at lumayas sa bahay ng 5am(para iwas traffic narin at hindi malate). Paulit ulit ko nalang ginagawa ang mga bagay na iyan. Ngunit hindi maiiwasan na magkaroon ng mga bagong experience sa umaga.

Heto ang iba sa aking mga walang kwentang karanasan tuwing umaga. Una ang pag alarm ng iyong lintek na taga gising na cellphone. Bwisit talaga kasi binibitin ang iyong pagtulog, kung minsan eh sasabihin pa natin na maya maya nalang tayo babangon ngunit pagtingin mo ulet sa iyong cellphone eh nakaiglip ka na pala ng mahigit 30mins.

Ang pagligo ng ilang minuto lamang, dahil sa late ka nga gumising eh wala kang magagawa kundi tumakbo at bilisan ang iyon mga kilos sa umaga.

Nakalimutan ang mga gamit, hayz dahil sa pagmamadali mo eh hindi mo namalayan hindi mo pala dala ang iyong cellphone o mga reviewer na iyong ginamit noong gabi pa.

Maiwan ang cellphone sa sinasakyan, hay naku muntik na akong mawindang ng mangyari sa akin yan, pagsakay ko ng jeep papunta morayta eh andun ako sa bandang bungad ng labasan ng jeep. Dahil nga sa malalate na ako eh siyempre tingin ng tingin sa iyong cellphone na ginawang orasan para tignan kung ilang minuto pa ang nalalabi sa iyo. Habang tinitignan mo eh natetense ka narin dahil ayaw mo ngang malate at dahil doon eh kung saan saan mo nalalagay ang iyong orasan! (didiretsuhin ko na nga!!) Muntik nang mawala Cp ko sa jeep kasi tae naman sa sobrang pagmamadali paghinto ng jeep eh talon agad ako!!!!!! BUTI nalng kinapa ko ang aking CP di kalayuan sa babaan. Agad akong tumakbo pabalik at buti nalang may mga taong mabagal bumaba ng jeep ang hindi pa nakakaalis. BWIISSIITTT!!!! nakita kong kukunin na sana ng isang lalaking matanda ang CP ko!!!!! AGAD akong tumakbo at kinuha sa kanya ito at sinabing "hehehehe naiwan ko cp ko " SABAY takbo papunta school dahil ako ay malalate na!


Minsan sa sobrang pagmamadali eh nakakalimutan na natin magCR sa ating munting tahanan. AMf matagal ang aking biyahe papuntang school! Minsan eh wala pa nga sa kalagitnaan ang aking biyahe bigla nalang naramdaman ko ang tawag ng kalikasan! AAAAWWwww Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko dahil hindi ko naman pwede sigawan yung drayber ng FX para sabihing Huminto muna at iihi ako sa kalsada! Kung kaya wala akong magagawa kundi magtiis talaga hanggang makaabot ako ng paaralan na aking pinapasukan. Ang pinkamalupit pa doon pagbago ang Guardiyang nakabantay sa pintuan eh ayaw kapang papasukin para magCR lang. Ilang beses na akong nagpabalik balik sa Ungas na guardiyang iyon at sinasabi kong "Naiihi na ako! baka pwede mo naman ako papasukin? Hindi naman me tatakas kahit iwan ko pa kayamanan ko sayo" at walangya talaga ang sagot pa naman sa akin eh "Boy maya maya na maaga pa baka mayang 6:45am" TAE! naiihi na nga ako maghihintay pa ako ng ilang minuto para lang pumasok?? Huhuhuhuhuhu..

Minsan kung masiyadong maaga ang aking pagdating sa eskwelahan eh bumibili muna ako ng aking mga makakain! Chocolate sa kanang bulsa, mga candy sa kaliwang bulsa, choco Mucho sa loob ng aking t-shirt, isang inumin sa loob ng aking secret lalagyanan sa bag na hanggang ngayun ay hindi parin nabubuking ng gwardiya, at hamburger na ninipisan ko at tinapalan ko ng mga test paper para di makita ng mga magiinspect. Hindi kasi natin maiiwasan ang hindi magutom sa ilang subject na magkakasunod.


Ang masayang bagay sa tuwing dumarating ka sa eskwelahan eh ang makita mo ang mga classmate mo at ang unang babanggitin mo sa kanila eh "CLASSMate may assignment kaba? pakopya naman" hehehehe pwede ring "ABSENT BA SI SIR O SI MAM?" yan ang mga bagay na aking unang naririnig sa tuwing tatapak ka sa harap ng pintuan ng aming eskwelahan. Hindi na yata uso ang Goodmorning?

Hayy napakawalang kwenta noh?



"Annyong-hi gyeseyo"

Saturday, November 3, 2007

BaSurA?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Waaaaaaa ang PangeT!!!!!!! hehehehehe huhuhuh natag kasi me! anyweiz basura lang tong post hahahaha.


Yan ang aking desktop! Panay basura! yung mga nasa baba eh mga walang kwenta! Bukas na kasi ang aming MiDTeRm exam kung kaya't ako ay nag-aaral! Panu ba naman kasi eh yung mga lectures namin ay sinend ng nakaPDF ayaw maconvert! kung maconvert man eh hindi ako marunong hahahaha!!!. Ang dami ng folders sa aking desktop panay pictures lang naman ang laman ngunit kahit isa diyan ay wala akong letrato yan ay dahil camera shy ako hehehehe.


Ito kaunaunahang picture sa aking mga enrty hindi kasi ako naglalagay ng mga letrato sa aking ginagawa yan ay dahil sa wala talaga ako mailagay na matino! Marami ding games diyan! Dahil mahilig akong maglaro kapag ako ay tinatamad nang mag-aral(pangparelax lang yan at pangtanggal ng stress) Para naman siyempre hindi puro aral at type ng type at chat ang aking ginagawa.

Yan ha!! walang edit edit yan!! diretsuhang picture agad wala na me tinanggal sa mga yan! hehehehe.

Uyyy Nature nga pala ang theme kasi yan lang ang nakita ko sa wallpapers hehehe(<<---tamad talaga magedit at maglagay ng mga picture para maging background). Napapakalma kasi ako ng mga letrato na ang theme ay nature maganda kasi sila tignan at titigan! Pasensya na talaga at basura ang laman nyan! wala kayong mapapala sa post na ito! nyayyy. Natag kasi ako ni kaibigang Fer-Bert!! HEHEHEHE Apir tayo jan!!!!!

UU nga pala talagang sadyang maliit Yan!! hahahahahaha


[TAG STARTS HERE]My Desktop Free View Instruction:Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of fun.You can do a screen capture by:

[1] Going to your desktop and pressing the PRT SCR(located on the right side of the F12 key - I used key Snipping Tool of Window Vistasince my print screen is not working -).
2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V).
[3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.

Post the picture in your blog You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of icons. Things like that. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.(Don't forget to notify them by any proper means so they'll know you tag them)

Add your name to this list of Free Viewers with a link pointing directly to your Desktop Free View post to promote it to succeeding participants.Desktop Freeview Participants: iRonnie, Thess , Rebecca,Knoizki, Rino, Beng, Melai, OFW Life,Ester, crazed_heck, FER BERT,Tsokolatez{Eminemz} [your link] [TAG ENDS HERE]



UYY PAhabol:

5 friends daw HEHEHE hmmm tag ko sina MCrey,Ahya Jayson,Bez Shey!,Prince champ! at si Chezter Banting! gudluck!




Anung sagoT?

Hay naku sa darating na monday November 5 eh midterm exam n namin!
Nariyan na naman ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa, yan ay ang mag-aral!

Walang tulog, cramming sa pagrereview, pagtutok sa ng maigi sa computer para mag-aral,pagsusunog ng kilay kahit walang apoy, pagpila ng mahaba para lang magpapirma ng permit, at ang walang kamatayang pagsusulat ng mga reviewer!.

Ngunit datapwat ang hinding hindi nawawala sa mga exam eh ang kopyahan! OO cheating! Noong sinaunang panahon pa naimbento yan ngunit hanggang ngayon at talamak parin. Siguro pasapasahan lang talaga yan kaya natin namamana. Sabi nga ng ibang tao hindi kompleto ang buhay studyante mo kung hindi ka nagcheat? Totoo kaya yan? Hindi ko alam kasi kapag nagtanong ka naman sa ibang tao kung "nangopya kanaba?" eh siguradong hindi aamin yan! Komopya o magpakopya ay parehas lang! Dahil kung ikaw ay nagpakopya, ikaw ay nag-uudyok sa mga tao para komopya! Siguro kahit mga matatalino at yung mga nerdie at nagpapakopya din ngunit hindi lang nila inaamin dahil takot sila, Oo nga naman kasi parating nakasulat sa mga test papers natin na kung sino ang mahuling mangopya eh Bokya agad!

Hindi ko alam kung bakit nila pinagbabawalan ang pangongopya eh siguro naman pati sila ay dumana narin ng pangongopya! Bakit kaya nila ito pinagbabawal sa mga studyante? Sabi nila para daw hindi tamarin sa pag-aaral eh akala mo naman sila hindi nila naranasan ang tamarin sa pag-aaral kahit papano tiba? Minsan naiisip kung ayaw ko na mag-aral kasi pareparehas lang ang iyong routine sa pang-araw araw. Gigising ng maaga, papasok sa school tapos mag-aaral , then uuwi kana ng bahay at mag-aaral para bukas tapos tulog ulet then gising nanaman at paulit ulit na naman!

totoo kayang hindi tinatamad mag-aral ang mga matatalino? Kasi naman yung mga taong yan eh saksakan ng sinungaling! Halimbawa kapag tinanung mo kung may assignment sasabihin nila wala daw sila! TAe talaga! pero siyempre kung close mo yung taong yun eh pahihiramin kanun! Madamot lang talaga sila minsan hehehe! kaya kung ako sayo! be FRIENDLY pero siyempre dapat walang pinipili ang pagiging friendly dapat lahat maging friends mo at hindi lang pinaplastic at ginagamit lang para ikaw ay umangat!

PSSSSSSSSSSSStttttttttttt!!!!!! wag maINGAY!!!!!!! yan ang parati mong maririnig sa library,sa classroom, sa hallway, sa CR, sa kalye, sa elevator tuwing exam period. Yan aydahil sa lahat nalang ng lugar eh may makikita kang nag-aaral, may nag-aaral ng naglalakad sa kalye, sa hallway, mga nakaupo sa banyo habang nag-aaral(especially yung mga nag may I got out habang nageexam para tignan sagot), at siyempre maririnig mo yan parati sa library!!!! with matching Kring Kring!!!!!! ( bell yan!). Masungit ang mga tao sa library namin! Kulang na nga lang eh ibato nila sa tao ang mga bell! Kasi naman ang ibang studyante eh pumunta lang ng library para magpalamig hehehe aircon kasi ngunit datapwat bawal ang matulog sa library! Kung ayaw mong maDiscipline office ay wag mo gagawin yan!
Pinaayos nila at pinaganda ang aming library ngayun! Nariyan na yung mga harang sa loob ng library kung saan naghahati sa mga libro at mga Tables sa labas na kung saan ang mga walang library card ay nakastambay. Nariyan din ang mga chairs na kung saan kapag ikaw ay nagpapa PHOTOCOPY eh dun ka uupo kung marami ang nakapila! Pero ito ang pinakamalupit!!!! Isang araw pumunta ako library para magpaPHOTOCOPY ng isang lecture na nawala ko hehehehe (pabaya kasi ako sa gamit) nung andun na me binigay ko ang copy then after ng pagkaphotocopy eh!!! WALAAHHHHHHHHHHHH instant nakastaple naaa!!!! (sorry kung masiyadong OA ngayun lang kasi ako nakakita nun) Astig talaga automatic!!! napagicip icip ko na dun nalang ako magpapaPHOTOCOPY parati kasi automatic ang staple hehehehe.

Kung iyong mapapansin eh parating naka capital ang salitang PHOTOCOPY!! iyan ay dahil photocopy naman talaga ang tawag dun at hindi XEROX, hindi ko alam kung bakit xerox tawag nila dun eh brand ng machine yun tiba? Hehe pero anyweiz wala na ako pakialam sa mga taong nagpupumilit na tawaging XEROX iyon dahil wala akong panahong tumambay sa PHOTOCOPY center at singutin ang amoy nun! HEHEHE ang baho kaya sa loob ng PHOTOCOPY center! Hindi ko alam kung paano nakakatiis ang mga nagtratrabaho dun.


Ang HIRAp!!! Yung lecture kasi namin sa isang subject ay sinend through email at ito ay naka PDF! OMG!!! Hirap pag-aralan nun! AYaw kasi maconvert!! Kung macoconvert man eh hindi ako marunong. Wala ring nangahas na magpaHardcopy kasi namin 82pages ang isang lecture! tapos yung isa 17Pages!!! OMG tipid pa sa spacing yan ha! maliit pa font!! OMG talaga!! Kaya wala akong magawa kundi titigan ang monitor at basahin ang mga simbolong nakalagay doon.

ANNYEONG!!!, NI HAW MA!!!!!!!!


Wednesday, October 31, 2007

SEMBREAK

"SEMBREAK? anu yan?" iyan ang parati mong maririnig sa mga studyante sa aming eskwelahan kung sinabi mong sembreak. Kung ayaw mong magulpi ng libo libong tao eh huwag na huwag mong sasabihin yan sa mga taga eskwela ko. Iyan ay dahil wala kaming sembreak! Trisem kasi ang aming paaralan. Hayzz 1week na weekbreak kasama pa diyan ang enrollment at kuhaan ng grades. Ito pa ang enrollment ay tumatagal ng mga 4 days! So bale 2 days break kalang talaga.


S-Slipful nights
E-exam free days
M-Morning smiles
B-batugan mode
R-restful afternoons
E-endless gimiks!
A-Ablazing energy flame
K-kawawa walang baon!


yan ang madalas kung narereceive sa tuwing sembreak n ng ibang school. hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis, dahil sa umaga eh mahirap sumakay ng jeep o FX dahil wala nang studyante! Ito pa kapag sasakay ka ng jeep tatanungin kapa kung highschool o college kapag ikaw ay highschool ikaw ay may discount kapag college naman eh kawawa ka ordinary fare ang dapat mong bayaran. Panay nagtratrabaho pa ang iyong mga kasabay sa tuwing umaga kaya todo delay talaga kasi wala nang estudyanteng pumpasok. kawawa naman kami!


Kapag sembreak sa aming school eh kakaunti lang ang tao dahil walang pasok ang MAIN, malaya kaming gawin ang gusto namin doon. Pwede kang tumakbo takbo at maglaro ng kung anu ano dahil malawak ang espasyo para sa iyo.








Monday, October 29, 2007

All About me!

Ako ay isang simpleng mag-aaral sa isang unibersidad sa Manila. Ang aking kurso ay may relasyon sa kompyuter. Kung bakit pinili ko yang kursong yan? hindi ko rin alam, mukha kasing mabango ang pangalan at marami ang kumukuha nyan ngayun.(Naki In lng parang gnun). Yang kursong yan pala ay may kinalaman sa mga design! Anak ng tokwa wala akong alam sa designing ni sa programming nga eh tuyo na utak ko hindi sa kaiisip ng logic kundi sa kaiisip ng oras kung kelan na kami palalabasin. Mahigit two hours kasi bawat subject ang aking pinapasukan.

Tuwing Monday ay 11-3pm lang ako, hay sagwa schedule ko kasi tanghali ang hirap sumakay ng sasakyan mainit na nga traffic pa! Kapag thursday naman ay 7-3pm lang ako buti nalang may laboratory ako ng umaga para malamig pa habang ako ay pumapasok sa eskwelahan. Tuesday at Friday naman ang schedule para sa mga nagdidie, Kasi naman 7-9 ang klase sa umaga pagkatpos may isang oras kang break! Isang oras lang!!! kulang pa para magreview at kumain! Ang susunod naman ay ang 10-5pm!(walang break!) diretso hanggang 5pm keya nga bangag kana sa huling subject mo eh ang last subject ko pa naman eh logic din ang gagamitin mo panu pa naman ba sa subject na yun kelangan mong maging friendly kina 1 at 0 dahil sila ang iyong makakasama sa exam,seatwork,homework,Long quiz, short quiz, pop quiz, cheating quiz, quiz quiz at kung anu pang quiz!

Uu nga pala ako ay nakatira sa isang bahay. Isang bahay na nasa boundary ng Caloocan at Quezon City. Parating maingay sa tapat ng bahay, iyan ay dahil sa mga taong naglalaro sa court, yupz katapat kasi ng bahay namin ang covered court sa amin keya yun maingay. Magulo nga sa court pero masaya din, dahil marami kang makikitang aksyon!, may naglalaro ng basketball,volleyball, tennis,patayan,sasaksakan,iyakan,nagrarally,nagsusuntukan,nagtutulakan,nagtatakbuhan,takutan,duguan,
dinuguan,papaitan,sinigang, at kung anu ano pa. Pero kahit na magulo jan eh masarap parin manirahan jan.



Ako ay may ipinanganak sa isang hospital, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na matanong kung saan ako pinanganak dahil wala na ako pakialam kung saan man iyon. Ang alam ko lang eh nagkamali ng lagay ang nanay ko ng aking pangalan sa birthcertificate. Hehehe ayos yun dahil nung lumaki na me eh nagkaroon ng mga problema dahil sa pangalan ko. Pumunta kami city hall para lang ipaayos ulet ang aking name! (sayang dapat nagpalit nalang me name).


Sa aming eskwelahan eh maraming tao! Siyempre paaralan iyon! Kabilang ako sa isang seksyon na mga pasaway, iba iba ang hilig ng mga kaklase!, may naguusap,nagaaway,nagkokopyahan,nagkakantahan,nagaasaran,nagpupustahan,may naglalako ng paninda,nagtetext sa mga jowa, nagsusulat ng love letter, nagsusulat ng notes,natutulog,kumakain,nagdradrawing,naglalaway,nanghahampas ng katabi,at meron din namang mga nakikinig sa professor.

Marami din naman akong kaibigan kahit papano! Sila ay sina Baboy, Emogay,instik na nagpupumilit maging koreano, isang pinakahari ng sablay,chixilog na baboy,bez,bakekang, isang anak ata ni pangulo kasi parehas apelyido, isang batang sobrang seryoso yung tipong kahit bayaran mo eh hinding hindi ngingiti, batang mahilig sa programming, boy design, Sina concert diva at concert king, si batang mahilig sa mga telenovela, si manager na namamahala ng aking mga programa at mga billboards ko, si manang, si kuyang mahilig sa dota, si manong na mahilig sa yosi, boy version ni kyla, at marami pang iba hindi ko sila maenumerate eh!

Meron din naman akong mga close friends anjan si Aya! na parati akong pinipilit mag-aral, siya nagbibigay ng motivation sa akin heheheh, Ang aking pamilya sa eskwelahan! na nagbabantay parati sa akin at parati nila ako check kung ako ay okey, sila yung parating nagprapray para sa akin. Hinding hindi ako nalulungkot sa paaralan dahil parati sila nariyan sa akin.Thankz nga pala sa kanila.

Thursday, October 25, 2007

try mo d2!

Cleaning time! yan ang kadalasan mong makikita sa tapat ng C.R. dito sa aming paaralan. Itong school na ata ang may pinakamaraming beses na magkaroon ng cleaning time o paglilinis ng banyo sa buong manila(malay ko ba kung meron pang iba, di naman ako gala eh!). Malinis naman ang C.R. at minsan eh ang bango bango pa nito!

Iba't ibang tao ang pumapasok sa C.R. may mga studyanteng halos di na yata umalis ng CR sa harap ng salamin akala mo naman eh may magbabago sa mukha nila! Meron ding mga taong maaarte na kung saan eh maghihintay pa ng mga taong papasok para lang mabuksan ang pinto at sabay takbo palabas, yan ang mga taong di ko maintindihan kung bakit ayaw nila hawakan ang door knob ng C.R., Ang mga babae naman ay kadalasang may mga ritwal pa sa loob ng C.R. Bawat minuto,segundo,milisegundo o anu man eh ayaw paawat sa pagbisita sa C.R. upang humarap lamang sa Isang malaking pader na kung saan nila nakikita ang kanilang sarili.


Ang fourth floor ng aming building ay may dalawang C.R. parehas panlalake. Marami kang makikitang taong naglalabas pasok dito sa lugar na ito hindi para umihi kundi para sumilip sa salamin. Sa tabi ng C.R. ay hindi nawawalan ng Drinking fountain! Sabi nga ng classmate ko eh yung tubig sa drinking fountain ay galing sa loob ng C.R. kung kaya ito ay malamig.

Ang C.R sa 2nd floor ng isa naming building ay ang pinakamainit at pinakamabahong C.R. sa aming paaralan. Ang C.R. na ito ay panlalake. HEHEHE sempre dahil sa unti lang ang dumaraan sa lugar na iyon at kakaunti lang din ang mga classroom doon ay doon pumupunta ang mga lalake para magbawas! (AWWWWWWW) hindi ata sila makatiis hehehehe. Ang main building naman ay may tig dalawang C.R. isa para sa babae at isa para sa lalake.

Hindi ko alam kung bakit tinawag itong C.R. siguro dahil kapag tumapak nga naman ang paa mo sa loob ng kwartong ito eh magaan sa pakiramdam, ito siguro marahil ay malamig sa loob ng kwartong ito.

May mga kakilala akong may ibat ibang ritwal sa C.R. ang kaibigan kong c num1 ay mayat mayat dumadalaw sa C.R. tuwing pagkatapos ng isang subject eh agad na tumatakbo para tignan ang sarili sa C.R. hindi pa nakuntento pati sa sasakyan o sa hallway eh may dalang kapirasong materyal na kung saan nakikita niya ang sarili nya. Si num2 naman eh kung magC.R. eh napakatagal pero wala naman ginawa kundi nakatayo lang sa loob ng kwartong ito.(nagpaparelaks siguro) Hindi ko alam ang rason kung bakit niya gusto doon, at wala narin akong pake sa rason niya. Si num3 naman ang taong palaC.R. hindi para tumingin sa salamin kundi para natugunan ang tawag ng kalikasan! Mahilig pa naman daw bang uminom ng tubig sa drinking fountain ayan tuloy. Si num4 naman ay ang taong kapag pumasok sa loob ng kwartong ito eh maghihintay ng taong magbubukas ng door knob para sa kanya at sabay hahagibis palabas ng Kwartong ito.(may virus ata yung door knob). Si num5 naman ay hindi ko kilala ngunit parati kung nakikita sa loob ng C.R. na walang ginawa kundi tignan ang sarili sa salamin at magbasa ng tubig sabay pahid sa mga buhok niya. Natatawa lang ako sa kanya dahil ilang beses na akong bumabalik ng C.R. eh naroon parin siya!(clue makikita nyo sa parati sa 4th flr na C.R.) yan ang clue para makita nyo siya!


Merong mga lalake pormang porma at maliliit ang bag na kung binuksan mo naman eh kikoy kit pala. Sila yung mga lalakeng Daig ang mga babae sa pagfafacial, paghihilamos,pagpupulbos, pagpapabango, pagpag,pagtapon,pagdaing,pagtakbo,at kung anu ano pang may pag! Iyan ang mga taong makikita mo sa kabilang building na fourth floor din! Marami ding ganyang tao sa ground floor ng aming eskwelahan!

Ang saya tiba? Kaya anu pang ang hinihintay mo? Punta kana rin ng C.R. at makisaya sa mga pangyayari doon!

Saturday, October 13, 2007

Uppps naputol

awtz naputol yung ginagwa kong post. tae dahil naglalaro ako ng ragnarok at may mga umatake sa aking mga halimaw nawala naputol tuloy..

Anyweiz ang gulay ay pinakaayaw ko sa lahat masyadong pakialamero sa aking buhay hehehehe.
Yung tipong malagkit, at madulas dulas pa sa iyong bibig. OO masustansya nga sila pero ayaw ko parin sa knila hahahah kakaiba kasi ang lasa prang di pang tao ang lasa pero lahat ng matanda, bata, aso, pusa ,kambing,kabayo,daga, ipis, at kung anu pa eh mahilig sa gulay, YUCK!!!!! pero ayaw ko talaga sa kanila bahala na sila sa buhay nila wag lng nila ako pakainin nun. SOri pero mapili talaga ako sa pagkain ko hahahaha.
Yan ang kinaiinisan sa akin ng mga tao ang pagiging mapili ko sa fud. Anyweiz hanggang dito nalang andito na kasi kaparty ko magpapalevel pa kami at boost ko narin siya... Huwag lng sana ako consensyahin ng mga taong mahilig sa gulay :P

Labanan sa Hapag kainan

Anu bang kinalaman ng kinakain ko sa mga tao sa paligid ko?



yan ang parati kong tinatanong sa aking maliit na utak. Dahil sa tuwing kumakain ako ehh pinapagalitan ako at pinapakealaman yung aking kinakain. Iyan ay dahil hindi ako mahilig sa gulay, inaamin ko mapili ako sa pagkain pero hindi na nila trabaho ang sabihin kung anu ang dapat kong kainin...

Patola, okra,kamatis,papaya,singkamas,at talong, sigarilyas at mani at ang buong pamilya ng bahay kubo ay isang dagok sa aking buhay. Dahil ayoko sa kanila. Magkakaroon muna ng gera sa hapagkainan bago mo ako mapakain ng mga yan.

Wednesday, October 10, 2007

Gera sa UMAGA

Sa layo pa naman ba ng bahay namin sa school eh kelangan kong bumiyahe ng pagkatagal-tagl. SAkay dito lakad doon, takbo dito, at sakay ulet doon. HAyz kapagod talaga lalo na kung ang pasok mo eh yung mga tipong rush hour pa na kelangan mong makipag-away sa iba pang pasahero, sabi nga nila lahat ng pasahero ay ituring mong kaaway dahil kayo ay nag-uunahan makasakay.

Minsan eh kung mamalasin ka mauubusan kapa ng sasakyan. kapag 7am ang pasok ko eh umaalis ako sa amin ng 5am, hindi para makarating ng maaga sa school , kundi para makasakay agad ng maayos at walang pila. kapag malapit na kasing mag6am eh tiyak na pipila kana dahil wala pang dumarating na ibang FX, kung meron man eh yun ay yung mga lumang FX yung mga napakainit pa ng aircon at parang sinabi mo nalang sana na nagjeep nalang ako.

Kapag nasobrahan ka naman sa kasablayan eh wala kanang aabutang FX talaga keya nga kelangan mong pumunta sa terminal ng jeep, madali lang hanapin yun dahil may nakalagay na NO LOADING/ UNLOADING mga driver kasi mahilig sa bawal. kung meron mangnagbabantay eh yun naman yung mga buhaya! mga binabayaran para payagang makapagsakay ng pasahero yung mga driver.

Sa pagsakay sa jeep eh aakalain mong may gera. Dahil ang mga tao ay naguunahan kaya nga dapat maging attentive ka at maging mabilis. Bawal ang papetekpetek at baka makasakay ka ng 3hours after pa.!


Sa pagpili naman ng sasakyang jeep ay meron dapat na guide! Una dapat stainless ang jeep, wag ka naman pumili ng jeep na tipong kapag humawak ka sa handle eh maputol nalang bigla at makalas ang buong jeep. Ikalawa pumili ng may music at madilim ang light sa loob, ibig sabihin nyan eh rakista o hip hop yung drayber maganda yun kasi kahit traffic at napakainit eh maaliw ka naman sa mga music nila pero wag pakasiguro lang sa malakas na volume dahil yung iba malakas nga volume eh parang pangpatay naman ang mga pinapatugtog! Delikado karoon! Ikatlo pumili ng jeep na yung pinagkakaguluhan! It only means mabilis magdrive yung driver at magaling sa mga pasikot sikot para hindi ka matraffic! Yun nga lang dapat magaling karing sumingit kapag nagdagsaan na ang mga pasahero. Ikaapat dapat ang driver ay mukhang bata o mukhang adik! dahil kapag yan ang drayber eh mabilis kang mapupunta sa heaven sa sobrang bilis! halos patayin n kayo ng drayber sa kanyang pagharurot! MAgaling sa diskarte sa kalsada at tipong lumilipad lang kayo sa kalsada. Pero hindi lahat ng mukhang bata at mukhang adik eh magaling mag drive, meron ding mga drayber na halos hintuan ang lahat ng pasahero! Matanda, bata, estudyante, employee, titster, factory worker, kapwa drayber,aso, pusa ,pagong, kuto, lisa, at kung anu mang bagay ang makita eh hihintuan at sasabihang sasakay kA?


Ilan lang yun sa mga nakakabadtrip sa mga drayber! Mapunta naman tayo sa mga FX, marami sa FX sa amin ang hindi yellow plate, sila yung mga tipong tago ng tago at todo sa shortcut. Pero astig kasi ang mga sasakyan ay hindi biro! adventure, hi-ace, at kung anu ano pa! truck, limousine, pajero, honda, mazda, tamaraw, light-ace, kotseng kuba, at kung susuwertihin baka sa bumble bee pa ang masakyan mo. Kapag sumakay ka ng FX mga 30mins. kuha na agad kaya mo nang makarating sa school ng maaga, ligtas, at fresh. Hindi tulad minsan sa jeep kapag nakarating ka sa school eh mukha kanang aswang, pawis na pawis , haggard at iba pa.




Yan ang iba sa mga naging karanasan ko sa kalsada! at marami pa akong ibang experience na gusto ikwento kaso tinatamad na ako magtype pa! Ikaw? anu mga experience mo? parehas ba tayo? kung naranasan mo ang mga yan eh ibig sabihin ay malapit kalang sa tinitirhan ko! Kung hindi naman eh wala akong pakialam sayo :P

Wednesday, October 3, 2007

UBE!!

This coming Sunday Oct. 7, 2007


Kami ay magkakaroon ng aming Ultimate Bonding Experience!! at ito ay gaganapin sa Bulacan... sa Paradise, ahmm actually hindi ko alam kung anu itsura ohh ano ang sasalubong sa akin sa pagpunta ko doon. Basta ang alam ko eh first time ng YFC FEU-EAC chapter na magUBE..

"Many are called but few are chosen"
*wala lang yan paepal na quote ko lang para may malagay*

October 3, 2007 sa FEU food court ginanap ang aming meeting ukol sa UBE. Hindi lang ito basta UBE kundi ito rin ay fellowship astig tiba? nagenjoy kana with your peepz eh nagenjoy kapa Kasama si God.

"For God so love the world that He gave us His only Son"
*yan yung ginamit naming variable kanina sa machine problem sa Objprog*


SA kasalukuyan ay excited na ako sa darating na UBE hindi dahil magswiswimming, ito ay dahil makikita ko na naman ang mga peepz ko at siyempre time ko na to for God tiba????

Habang ginagwa ko ang blog na ito ay maraming disturbo. Nariyan ang maingay mong kapatid na tinuturuan ang pamangkin mo sa mga assignment, ang mga kachat na parehas na walang magawa kundi manuod ng youtube at ang maiingay na elemento pa.(speaker. t.V. ,boses ni mami,boses ng pamangkin,at kung anu ano pang bagay)

Balik tayo sa UBE.. Hindi lang ang UBE ang aking hinihintay nariyan din ang darating na Metrocon. WAw if ever first time ko iyon. Ito ay gaganapin sa Cavite sa Oct. 27-28. Ito ang kauna unahang pupunta ako *if ever payagan* sa gathering na ito.

Bwisit! daming lamok kinakagat ako sana lang eh walang dengue ang mga ito. *pack sabay himas sa mga braso HAy naku bat kasi naimbento ang mga lamok na ito eh sakit naman ang hatid sa akin. Pero sabi nga nila hindi naman ginawa ang mga ito para lang sa wala. At yan ang aking natutunan sa Values!

HAy naku may nagbuzz na naman disturbo sa aking pagtytype pero sige na nga entertain ko nalang muna para kahit papano eh may magawa ako at may magawa din siya.

Adioz.