Sa layo pa naman ba ng bahay namin sa school eh kelangan kong bumiyahe ng pagkatagal-tagl. SAkay dito lakad doon, takbo dito, at sakay ulet doon. HAyz kapagod talaga lalo na kung ang pasok mo eh yung mga tipong rush hour pa na kelangan mong makipag-away sa iba pang pasahero, sabi nga nila lahat ng pasahero ay ituring mong kaaway dahil kayo ay nag-uunahan makasakay.
Minsan eh kung mamalasin ka mauubusan kapa ng sasakyan. kapag 7am ang pasok ko eh umaalis ako sa amin ng 5am, hindi para makarating ng maaga sa school , kundi para makasakay agad ng maayos at walang pila. kapag malapit na kasing mag6am eh tiyak na pipila kana dahil wala pang dumarating na ibang FX, kung meron man eh yun ay yung mga lumang FX yung mga napakainit pa ng aircon at parang sinabi mo nalang sana na nagjeep nalang ako.
Kapag nasobrahan ka naman sa kasablayan eh wala kanang aabutang FX talaga keya nga kelangan mong pumunta sa terminal ng jeep, madali lang hanapin yun dahil may nakalagay na NO LOADING/ UNLOADING mga driver kasi mahilig sa bawal. kung meron mangnagbabantay eh yun naman yung mga buhaya! mga binabayaran para payagang makapagsakay ng pasahero yung mga driver.
Sa pagsakay sa jeep eh aakalain mong may gera. Dahil ang mga tao ay naguunahan kaya nga dapat maging attentive ka at maging mabilis. Bawal ang papetekpetek at baka makasakay ka ng 3hours after pa.!
Sa pagpili naman ng sasakyang jeep ay meron dapat na guide! Una dapat stainless ang jeep, wag ka naman pumili ng jeep na tipong kapag humawak ka sa handle eh maputol nalang bigla at makalas ang buong jeep. Ikalawa pumili ng may music at madilim ang light sa loob, ibig sabihin nyan eh rakista o hip hop yung drayber maganda yun kasi kahit traffic at napakainit eh maaliw ka naman sa mga music nila pero wag pakasiguro lang sa malakas na volume dahil yung iba malakas nga volume eh parang pangpatay naman ang mga pinapatugtog! Delikado karoon! Ikatlo pumili ng jeep na yung pinagkakaguluhan! It only means mabilis magdrive yung driver at magaling sa mga pasikot sikot para hindi ka matraffic! Yun nga lang dapat magaling karing sumingit kapag nagdagsaan na ang mga pasahero. Ikaapat dapat ang driver ay mukhang bata o mukhang adik! dahil kapag yan ang drayber eh mabilis kang mapupunta sa heaven sa sobrang bilis! halos patayin n kayo ng drayber sa kanyang pagharurot! MAgaling sa diskarte sa kalsada at tipong lumilipad lang kayo sa kalsada. Pero hindi lahat ng mukhang bata at mukhang adik eh magaling mag drive, meron ding mga drayber na halos hintuan ang lahat ng pasahero! Matanda, bata, estudyante, employee, titster, factory worker, kapwa drayber,aso, pusa ,pagong, kuto, lisa, at kung anu mang bagay ang makita eh hihintuan at sasabihang sasakay kA?
Ilan lang yun sa mga nakakabadtrip sa mga drayber! Mapunta naman tayo sa mga FX, marami sa FX sa amin ang hindi yellow plate, sila yung mga tipong tago ng tago at todo sa shortcut. Pero astig kasi ang mga sasakyan ay hindi biro! adventure, hi-ace, at kung anu ano pa! truck, limousine, pajero, honda, mazda, tamaraw, light-ace, kotseng kuba, at kung susuwertihin baka sa bumble bee pa ang masakyan mo. Kapag sumakay ka ng FX mga 30mins. kuha na agad kaya mo nang makarating sa school ng maaga, ligtas, at fresh. Hindi tulad minsan sa jeep kapag nakarating ka sa school eh mukha kanang aswang, pawis na pawis , haggard at iba pa.
Yan ang iba sa mga naging karanasan ko sa kalsada! at marami pa akong ibang experience na gusto ikwento kaso tinatamad na ako magtype pa! Ikaw? anu mga experience mo? parehas ba tayo? kung naranasan mo ang mga yan eh ibig sabihin ay malapit kalang sa tinitirhan ko! Kung hindi naman eh wala akong pakialam sayo :P
No comments:
Post a Comment