Wednesday, October 31, 2007

SEMBREAK

"SEMBREAK? anu yan?" iyan ang parati mong maririnig sa mga studyante sa aming eskwelahan kung sinabi mong sembreak. Kung ayaw mong magulpi ng libo libong tao eh huwag na huwag mong sasabihin yan sa mga taga eskwela ko. Iyan ay dahil wala kaming sembreak! Trisem kasi ang aming paaralan. Hayzz 1week na weekbreak kasama pa diyan ang enrollment at kuhaan ng grades. Ito pa ang enrollment ay tumatagal ng mga 4 days! So bale 2 days break kalang talaga.


S-Slipful nights
E-exam free days
M-Morning smiles
B-batugan mode
R-restful afternoons
E-endless gimiks!
A-Ablazing energy flame
K-kawawa walang baon!


yan ang madalas kung narereceive sa tuwing sembreak n ng ibang school. hindi mo alam kung matutuwa ka o maiinis, dahil sa umaga eh mahirap sumakay ng jeep o FX dahil wala nang studyante! Ito pa kapag sasakay ka ng jeep tatanungin kapa kung highschool o college kapag ikaw ay highschool ikaw ay may discount kapag college naman eh kawawa ka ordinary fare ang dapat mong bayaran. Panay nagtratrabaho pa ang iyong mga kasabay sa tuwing umaga kaya todo delay talaga kasi wala nang estudyanteng pumpasok. kawawa naman kami!


Kapag sembreak sa aming school eh kakaunti lang ang tao dahil walang pasok ang MAIN, malaya kaming gawin ang gusto namin doon. Pwede kang tumakbo takbo at maglaro ng kung anu ano dahil malawak ang espasyo para sa iyo.








2 comments:

crazed_heck said...

and how i appreciate sembreak...hihi..

was here, bloghoppin...

FerBert said...

ui sembreak na... ang sya saya... waaaah... naingget ka noh?