Saturday, November 17, 2007

Anu yan?

Mahirap magpasok ng pagkain o inumin sa aming paaralan

Kung kaya't marami akong ginagawang paraan para lamang makapagpuslit ako ng fud.
Tuwing umaga eh bumibili ako ng candy at nilalagay ko sa secret pocket ng aking bag, hindi kasi pwede sa bulsa dahil kinakapaan ka minsan. Isang beses nga eh nahuli akong may candy sa aking bulsa, pinalabas ito at sinabi ng guard na bawal yan at iiwan ko nalang daw sa table nila! Tae ba sila!! Hindi ko binili ang mga iyon para lamang ibigay sa kanila! Minsan nga eh nakikita ko ang loob ng kanilang table tuwing 7pm na ng gabi. Marami ang naiiwang pagkain dito at kung suwerte kapag hindi kinuha ng mga studyante ang mga iyon eh sa kanila na ang mga pagkaing iyon.

Isang beses eh wala akong dalang bag paglabas ko ng school, bigla nalang nagyaya ang classmate ko na bumili kami ng pagkain!Ang ginawa ko eh nilagay ko ang ChocoMucho sa loob ng aking T-shirt! Phew buti nalang hindi kinapa pati damit ko hehehehe.

Hindi lang pagkain o inumin ang bawal ipasok sa loob ng school,bawal din ang mga wlang permit na malalaking gadgets, yung tipong kelangan mo pang isaksak para gumana?
Kung sa bagay tama nga naman yun dahil di natin alam eh pagsinaksak mo bigla nalang magshort circuit at mabrownout mo pa ang buong school.

Hmmm wala akong mailagay pang matino dito! Ito nalang! Kahapon ay ginanap ang Prayer Meeting ng YFC-FEU-EAC chapter sa room a403, nung una eh akala ko wala na talagang darating! NAgtext brigade pa naman ako :( , Buti nalang eh habang tumatagal isa isa nang dumating ang mga bisita! YEY dumarami na kami! Maganda ang talk sobrang astig.

4F

F-fun
F-Friendship
F-Freedom
F-Faith


Lahat ng iyan ay GOD centered! hehehehe

Marami akong natutunan sa PM na iyan. Tulad ng magsipag sa pag-aaral! hehehehe

Pagkatapos ng PM eh bigla nalang akong tumakbo palabas papauwi! dahil 7pm na ng gabi at malayo pa ang aking tirahan mahigit 2hrs ang biyahe! Sa aking paghihintay ng FX eh inabot ako ng 8pm bago makasakay! Ang dami kasing tao at kakaunti lang ang bumibiyahe NG FX dahil sa traffic! Utang na loob ! kelan kaya matatapos ang mga ginagawang kalsada dito sa Novaliches? Ang haba na kaya! Kung kaya't naman eh parati nalang traffic at ginagabi na ako sa aking pag-uwi! haaaaaaaaazzz





NEH

2 comments:

Lonely Boy said...

sana nga ma-apply natin yung natutunan natin sa pm kahapon... single-mindedness... hehehe... basta walang laglagan ah... bawal magkwento ng secrets sa iba... promise???

Rakz said...

hi dhan!! hehehe..mama rakz hir! i'm glad n nakarating ako sa pm niyo last sat.natuwa ang puso ko.hihihi.kayo talaga, andali nyong panghinaan ng loob pag konti ang participants..hek hek. sometimes it's not in the quantity,ang mahalaga nata-touch ung mga puso ng participants khit konti p yan.oki? kita kits sa youth camp nyo!! magpataba k naman!=p

nga pala, link kita sa blog ko ah..=D