Hay naku sa darating na monday November 5 eh midterm exam n namin!
Nariyan na naman ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa, yan ay ang mag-aral!
Walang tulog, cramming sa pagrereview, pagtutok sa ng maigi sa computer para mag-aral,pagsusunog ng kilay kahit walang apoy, pagpila ng mahaba para lang magpapirma ng permit, at ang walang kamatayang pagsusulat ng mga reviewer!.
Ngunit datapwat ang hinding hindi nawawala sa mga exam eh ang kopyahan! OO cheating! Noong sinaunang panahon pa naimbento yan ngunit hanggang ngayon at talamak parin. Siguro pasapasahan lang talaga yan kaya natin namamana. Sabi nga ng ibang tao hindi kompleto ang buhay studyante mo kung hindi ka nagcheat? Totoo kaya yan? Hindi ko alam kasi kapag nagtanong ka naman sa ibang tao kung "nangopya kanaba?" eh siguradong hindi aamin yan! Komopya o magpakopya ay parehas lang! Dahil kung ikaw ay nagpakopya, ikaw ay nag-uudyok sa mga tao para komopya! Siguro kahit mga matatalino at yung mga nerdie at nagpapakopya din ngunit hindi lang nila inaamin dahil takot sila, Oo nga naman kasi parating nakasulat sa mga test papers natin na kung sino ang mahuling mangopya eh Bokya agad!
Hindi ko alam kung bakit nila pinagbabawalan ang pangongopya eh siguro naman pati sila ay dumana narin ng pangongopya! Bakit kaya nila ito pinagbabawal sa mga studyante? Sabi nila para daw hindi tamarin sa pag-aaral eh akala mo naman sila hindi nila naranasan ang tamarin sa pag-aaral kahit papano tiba? Minsan naiisip kung ayaw ko na mag-aral kasi pareparehas lang ang iyong routine sa pang-araw araw. Gigising ng maaga, papasok sa school tapos mag-aaral , then uuwi kana ng bahay at mag-aaral para bukas tapos tulog ulet then gising nanaman at paulit ulit na naman!
totoo kayang hindi tinatamad mag-aral ang mga matatalino? Kasi naman yung mga taong yan eh saksakan ng sinungaling! Halimbawa kapag tinanung mo kung may assignment sasabihin nila wala daw sila! TAe talaga! pero siyempre kung close mo yung taong yun eh pahihiramin kanun! Madamot lang talaga sila minsan hehehe! kaya kung ako sayo! be FRIENDLY pero siyempre dapat walang pinipili ang pagiging friendly dapat lahat maging friends mo at hindi lang pinaplastic at ginagamit lang para ikaw ay umangat!
PSSSSSSSSSSSStttttttttttt!!!!!! wag maINGAY!!!!!!! yan ang parati mong maririnig sa library,sa classroom, sa hallway, sa CR, sa kalye, sa elevator tuwing exam period. Yan aydahil sa lahat nalang ng lugar eh may makikita kang nag-aaral, may nag-aaral ng naglalakad sa kalye, sa hallway, mga nakaupo sa banyo habang nag-aaral(especially yung mga nag may I got out habang nageexam para tignan sagot), at siyempre maririnig mo yan parati sa library!!!! with matching Kring Kring!!!!!! ( bell yan!). Masungit ang mga tao sa library namin! Kulang na nga lang eh ibato nila sa tao ang mga bell! Kasi naman ang ibang studyante eh pumunta lang ng library para magpalamig hehehe aircon kasi ngunit datapwat bawal ang matulog sa library! Kung ayaw mong maDiscipline office ay wag mo gagawin yan!
Pinaayos nila at pinaganda ang aming library ngayun! Nariyan na yung mga harang sa loob ng library kung saan naghahati sa mga libro at mga Tables sa labas na kung saan ang mga walang library card ay nakastambay. Nariyan din ang mga chairs na kung saan kapag ikaw ay nagpapa PHOTOCOPY eh dun ka uupo kung marami ang nakapila! Pero ito ang pinakamalupit!!!! Isang araw pumunta ako library para magpaPHOTOCOPY ng isang lecture na nawala ko hehehehe (pabaya kasi ako sa gamit) nung andun na me binigay ko ang copy then after ng pagkaphotocopy eh!!! WALAAHHHHHHHHHHHH instant nakastaple naaa!!!! (sorry kung masiyadong OA ngayun lang kasi ako nakakita nun) Astig talaga automatic!!! napagicip icip ko na dun nalang ako magpapaPHOTOCOPY parati kasi automatic ang staple hehehehe.
Kung iyong mapapansin eh parating naka capital ang salitang PHOTOCOPY!! iyan ay dahil photocopy naman talaga ang tawag dun at hindi XEROX, hindi ko alam kung bakit xerox tawag nila dun eh brand ng machine yun tiba? Hehe pero anyweiz wala na ako pakialam sa mga taong nagpupumilit na tawaging XEROX iyon dahil wala akong panahong tumambay sa PHOTOCOPY center at singutin ang amoy nun! HEHEHE ang baho kaya sa loob ng PHOTOCOPY center! Hindi ko alam kung paano nakakatiis ang mga nagtratrabaho dun.
Ang HIRAp!!! Yung lecture kasi namin sa isang subject ay sinend through email at ito ay naka PDF! OMG!!! Hirap pag-aralan nun! AYaw kasi maconvert!! Kung macoconvert man eh hindi ako marunong. Wala ring nangahas na magpaHardcopy kasi namin 82pages ang isang lecture! tapos yung isa 17Pages!!! OMG tipid pa sa spacing yan ha! maliit pa font!! OMG talaga!! Kaya wala akong magawa kundi titigan ang monitor at basahin ang mga simbolong nakalagay doon.
ANNYEONG!!!, NI HAW MA!!!!!!!!
4 comments:
bwal magkopyahan pero pwede kodigo...
kopyahan nlng...at least pwedeng idenay pero pag kodigo na at nahuli, tiyak principal na bagsak mo...hihi...o guidance o sao...
salamat sa pagbisita tol...link kita ha...link mo din ako...
i still dont agree with kopyahan or kodigo... it just means that you're too weak to stand on what you know... yes, nangopya or nagkodigo siguro ako in my life... but it doesnt mean that it's fine to do it... keep striving to be the best...
i agree with jayson..mas prefer ko kasing bumagsak kaysa makakuha ng mataas n grade na alam kong di ko deserve! kasi pag ganun, pakiramdam ko niloko ko na ang sarili ko, niloko ko pa ang lahat ng tao, at lalong lalo na c God! but i admit na nangopya at nagkodigo na rin ako minsan sa buhay ko..but i really hate the feeling!it sucks!
Post a Comment