Friday, November 23, 2007

Bluz CLuz

Boy1: Amf ang si sir talaga oh, pumasok lang sabay sigaw ng class Dismissed!
Boy2:UU nga eh sayang pa naman at nag-aral ako, may short quiz daw kasi.
Boy1: HAy naku tinutulugan ko lang mga yan!
Boy2:Ewan ko sayo!




Grabe! Hanggang ngayun eh binubutas at ginagawa parin ang daan papunta sa aming tirahan! Tuwing umaga nga eh maaga ako nagigising at before 5am eh dapat nasa pila na ako ng FX sa amin! Kasi naman kapag late kanang pumunta doon eh mahaba na ang pila!

Minsan nga eh malapit na akong makasakay nangbiglang sinabi ng operator sa amin na humanap nalang ng ibang route para pumunta sa manila dahil ayaw na daw ng mga drayber na bumiyahe dahil may nahulog na truck sa hukaY!!! Amf nga naman wala akong choice kundi pumunta ng fairview at doon sumakay papuntang school! Nitong mga nakaraang araw eh madalas na akong nalalate dahil ang hirap kasi sumakay sa umaga! Hindi lang sa umaga iyon kundi sa pag-uwi din! Kelan kaya matatapos ang paghuhukay nila at pagaasphalto ng daanan dito sa amin? Nagsimula iyan noong election pa ng mga Senador! Eh tae naman oh! Tapos na nga election ng SK wala paring nangyayari? Huhuhuhuhu Hanggang kailan kaya kami magtitiis at patuloy nang binubutas ang aming mga bulsa dahil sa layo ng biyahe.


Kanina pag-uwi ko sa aming bahay eh biglang tumawag ang katulong ng aming kapitbahay! Ang sabi niya eh gusto daw nila ako papuntahin sa kanilang bahay kasi may problema daw! Awtz!! Anu kaya yun? agad akong nagbihis at dumiretso sa bahay nila! Pagbukas ko ng pinto eh nakita ko ang anak ng aming kapitbahay na nanunuod ng Bluez Cluez! hehehe! Astig nga eh kasi dati pinapanuod ko rin iyon. Sinabi sa akin ng kasangbahay na umalis daw ang mami ng bata at iniwan nakabukas ang computer! Teka anu nga ba ang problema? Ito Yun! Hindi nila alam kung paano patayin ang pc.............. Yun pala ang kanilang problema! Agad kong shinutdown ang PC, nangnapatay ko na ang PC eh bigla pa namang umiyak yung bata!!! AAAAAAAAAAWWWWW Feeling ko ako ang may kagagawan ng kanyang pag-iyak!! UU nga pala nanunuod siya ng Bluez CLuez tapos bigla ko nalang shutdown!! Bastos talaga me hmffff.... KAwawa naman yung bata! Alam ko ata ang feeling ng ganun! Bigla nalang patayin ang pinapanuod mo hmm how sad! Anyweiz after nun eh bumalik na me ng house para gumawa ng aming proyekto sa paaralan!

BOW!!

Saturday, November 17, 2007

Anu yan?

Mahirap magpasok ng pagkain o inumin sa aming paaralan

Kung kaya't marami akong ginagawang paraan para lamang makapagpuslit ako ng fud.
Tuwing umaga eh bumibili ako ng candy at nilalagay ko sa secret pocket ng aking bag, hindi kasi pwede sa bulsa dahil kinakapaan ka minsan. Isang beses nga eh nahuli akong may candy sa aking bulsa, pinalabas ito at sinabi ng guard na bawal yan at iiwan ko nalang daw sa table nila! Tae ba sila!! Hindi ko binili ang mga iyon para lamang ibigay sa kanila! Minsan nga eh nakikita ko ang loob ng kanilang table tuwing 7pm na ng gabi. Marami ang naiiwang pagkain dito at kung suwerte kapag hindi kinuha ng mga studyante ang mga iyon eh sa kanila na ang mga pagkaing iyon.

Isang beses eh wala akong dalang bag paglabas ko ng school, bigla nalang nagyaya ang classmate ko na bumili kami ng pagkain!Ang ginawa ko eh nilagay ko ang ChocoMucho sa loob ng aking T-shirt! Phew buti nalang hindi kinapa pati damit ko hehehehe.

Hindi lang pagkain o inumin ang bawal ipasok sa loob ng school,bawal din ang mga wlang permit na malalaking gadgets, yung tipong kelangan mo pang isaksak para gumana?
Kung sa bagay tama nga naman yun dahil di natin alam eh pagsinaksak mo bigla nalang magshort circuit at mabrownout mo pa ang buong school.

Hmmm wala akong mailagay pang matino dito! Ito nalang! Kahapon ay ginanap ang Prayer Meeting ng YFC-FEU-EAC chapter sa room a403, nung una eh akala ko wala na talagang darating! NAgtext brigade pa naman ako :( , Buti nalang eh habang tumatagal isa isa nang dumating ang mga bisita! YEY dumarami na kami! Maganda ang talk sobrang astig.

4F

F-fun
F-Friendship
F-Freedom
F-Faith


Lahat ng iyan ay GOD centered! hehehehe

Marami akong natutunan sa PM na iyan. Tulad ng magsipag sa pag-aaral! hehehehe

Pagkatapos ng PM eh bigla nalang akong tumakbo palabas papauwi! dahil 7pm na ng gabi at malayo pa ang aking tirahan mahigit 2hrs ang biyahe! Sa aking paghihintay ng FX eh inabot ako ng 8pm bago makasakay! Ang dami kasing tao at kakaunti lang ang bumibiyahe NG FX dahil sa traffic! Utang na loob ! kelan kaya matatapos ang mga ginagawang kalsada dito sa Novaliches? Ang haba na kaya! Kung kaya't naman eh parati nalang traffic at ginagabi na ako sa aking pag-uwi! haaaaaaaaazzz





NEH

Monday, November 12, 2007

Grounded

There is no such creation in this world that can separate us from the Love of our God




Titser:Ok class hawak ko na sa aking mga kamay ang resulta ng inyong Long quiz,
epal1!
Boy1!
epal2!
epal3!
Boy2!
.... so on

Boy1:oi kumag! anung score mo?
Boy2:70,bakit?
Boy1: HAHAHAHA BOBO mo! WIK ka WIk!
Boy2: bakit ilan kaba? 72!
Boy1: Sows!!! 2 points lang eh!
Boy2: Eh basta mag-aral kapa!! para mataasan mo ko!
Boy1: Sige nalang!


Sa eskwelahan namin eh pabago bago ang mga subject kada year! Ito ay dahil technology change fast daw at kelangan namin maki ride sa pagbabago. Ngunit ang nababago lang naman talaga eh ang pangalan ng subject pero hindi naman ang tinuturo, dahil minsan eh paulit ulit lang ang mga quiz at Exercises na binibigay sa mga higher level. Kung kaya naman eh talamak din minsan ang pasahan ng mga reports at exercises.

Meron kaming subject na kung saan eh bubuksan mo ang CPU at kakalikutin mo lang ito ng paulit ulet.Individual ito ngunit nang makita nang professor namin na nahihirapan ang mga babae sa pagtanggal ng mga lamang loob ng CPU eh ginawa nalang niya itong by partner. Si ate ang partner ko, parati siyang late kung kaya nama ako ang madalas ang nagaabono sa mga pagphotocopy ng aming laboratory. Siyempre mabait naman ang lolo mo kaya libre ko nalang yun!

Isang beses sa aming experiment eh kelangan naming etesting yung power supply, hala! nagmagaling ang isang studyante ayan! Pumutok tuloy! Hehehehe Nagulat ang lahat sa nangyari! Pati ang prof namin eh mukhang tensyonado at hindi alam ang gagawin! Well kami naman ni ate eh walang ginawa kundi titigan ang aming power supply. Napagisipan nalang ng prof namin na siya nalang ang gagawa ng experiment at kopyahin namin ang sagot sa kanya! Mabuhay!! Buti nalang di pa kami nakakapagsimula ni ate kaya ayun! Todo kopya sa gawa ng prof namin at para lang kaming kumokopya ng sulat niya sa White Board!

Hindi malayo sa aming kurso ang mga accidente! Minsan habang ako ay naglalaro eh bigla nalang namatay ang PC kow. Chineck ko ang lahat ngunit wala naman! SIyempre para naman may masabing may natutunan ako sa subject ko dati eh nagmagaling na ako! Binuksan ko ang CPU ngunit nung paghawak ko sa isang cable eh dumampi ang aking kamay sa isang parte ng cpu! ARAY!!!!! bigla akong napatayo at nauntog sa table! huhuhuhu ang sakit sakit ng ulo ko Nyay! sa sobrang pagmamagaling eh nakalimutan ko palang tanggalin ang saksakan! Biglang pumasok sa aking makitid na utak na dapat pala pagkapatay sa pc eh, tanggalin ang saksakan at maghintay ng mga 10mins upang mawala ang kuryente! Salamat sa aking prof at naalala ko iyon! Buti nalang pala kahit hindi me nakikinig sa kanya eh may pumasok parin sa aking brain! hehehehe





Mianhamnida

Sunday, November 11, 2007

NaKaKaIniP nA!

boy1:pang ilang number na ang tinawag?
boy2:154 na.
boy1: ahh malapit na pala ako.
boy2:bakit? anu ba ang number mo?
boy1:1464
boy2:ahh unti nalang pala mga 1310 nalang na studyante ang kanilang kelangan asikasuhin bago ka.




2 years nalang! at makikita ko na ang sarili kong naglalakad sa entablado at nakasuot ng itim. Ngunit datapwat hindi pa siguradong 2years ang graduation ko, dahil wala pa riyan kung babagsak ako at magiging irregular student.



Sa simulat sapul pa lamang ay hindi ko na agad nagustugan ang pagiging I.T. Bigla nalang kasi ako tinamad! Pilit ko nalang sinasabi sa sarili ko na 2years nalang at tapos na ang aking paghihirap. Wala na kong iintindihin na mga assignment, project,seatwork,exams,midterm,longquiz at kung anu ano pa.



Utak ko ay nasa business ad.
Puso ko ay nasa fine arts
Ngunit ang aking kamay ay nasa Information Technology.


Sabi nga ng classmate ko eh habang maaga eh magshift na raw kami. Nyee 2nd year na kami maaga paba yun? Sayang naman ang oras at perang ginugol para sa akin kung basta basta nalang ako magshisift. Kung kaya't napagisipan ko nalang na pagkatapos ng I.T. eh maghahanap agad ako ng trabaho at mag-aaral ulet.


Mahirap Pilitin ang sarili kung ayaw mo talaga. Hindi mo pwede sabihin sa sarili mo ng paulit ulit ang salitang "unti nalang" dahil mahirap ata controlin ang sarili minsan. Para kalang adik nyan na paulit ulit pinipilit magbago ngunit nahihirapan lalo.


Kapag nasa paaralan ako may mga oras minsan na kung saan eh nakakaramdam ako ng pagkainip. Four hours pa naman ba ang break mo eh. 30mins. para kumain the rest puro kwentuhan,tulog,aral,gawa assignment, o ang walang kamatayang comlab na kadalasan naman ay may nakapaskil na malaking salitang NO INTERNET.Kaming magkakaibigan ay walang ginawa kundi ang matulog sa fourth floor lobby. Hindi kasi bawal matulog doon, hindi tulad sa library aircon ngunit sisitahin ka ng Nakabantay doon at kung mamalasin eh DO pa ang abot mo.


Rock,Emo,accoustic,RNB,alternatives,hip hop! yan ang aking madalas na napapakinggan sa ipod ng classmate ko, utang na loob naman kasi kahit paulit ullit kung pinakikinggan yan eh wala naman akong magagawa, ayaw ko atang tumunganga nalang sa isang sulok ng lobby at titigan ang bintana. Masmabuti pang magdrawng nalang at magsulat ng kung anu ano.


Yeoboseyo....

Friday, November 9, 2007

HuLi Ka!!!

Tagged by REYN
3 Thingz I woNt leT GO!


1.Family and Friends!
Hindi ko maimagin ang buhay ko kung wala sila sa aking paningin! Hindi naman sa umaasa ako sa kanila ito lang ay dahil gusto ko lang maramdaman na nariyan sila parati sa akin at hinding hindi nila ako iiwan lalo na kung akoy nalulumbay.
2.Siyempre ang Walang kamatayang cHocolaTe!
Kung Gusto mong magLive longer huwag na huwag mong pakekealaman ang pagkain ko! Pero hindi naman ako madamot kung gusto mo rin ng chocOlate eh hala sige shAre nalang tayo! Kahit anung brand basta may choColate ayus sa akin yun!("kaya siguro nasisira na ngipin ko huhuhuhuhu").

3. And The Best! Siyempre SI GOD!!
Utang na loob naman alam naman natin ang rason kung bakit siya ang hindi ko kaya i Let GO.Unang una eh maraming nangyari sa aking Life nanG makilala ko siya ulet. Siya yunG tipong Hindi ako iiwan kahit talikuran pa ako ng BUong mUndo. KAhit Hindi ko siya naKikitA eh Nararamdaman Ko Naman na nariyan siya sa aking tabi sa pamamagitan ng mga taong malapit sa akin.


Eoseo oseyo

Wednesday, November 7, 2007

Umaga na naman?

Hayy kay sarap nga naman gumising tuwing umaga. Simula Tuesday hanggang Friday ay 7am ang aking class. Kung kaya't wala akong choice kundi gumising ng 4am at lumayas sa bahay ng 5am(para iwas traffic narin at hindi malate). Paulit ulit ko nalang ginagawa ang mga bagay na iyan. Ngunit hindi maiiwasan na magkaroon ng mga bagong experience sa umaga.

Heto ang iba sa aking mga walang kwentang karanasan tuwing umaga. Una ang pag alarm ng iyong lintek na taga gising na cellphone. Bwisit talaga kasi binibitin ang iyong pagtulog, kung minsan eh sasabihin pa natin na maya maya nalang tayo babangon ngunit pagtingin mo ulet sa iyong cellphone eh nakaiglip ka na pala ng mahigit 30mins.

Ang pagligo ng ilang minuto lamang, dahil sa late ka nga gumising eh wala kang magagawa kundi tumakbo at bilisan ang iyon mga kilos sa umaga.

Nakalimutan ang mga gamit, hayz dahil sa pagmamadali mo eh hindi mo namalayan hindi mo pala dala ang iyong cellphone o mga reviewer na iyong ginamit noong gabi pa.

Maiwan ang cellphone sa sinasakyan, hay naku muntik na akong mawindang ng mangyari sa akin yan, pagsakay ko ng jeep papunta morayta eh andun ako sa bandang bungad ng labasan ng jeep. Dahil nga sa malalate na ako eh siyempre tingin ng tingin sa iyong cellphone na ginawang orasan para tignan kung ilang minuto pa ang nalalabi sa iyo. Habang tinitignan mo eh natetense ka narin dahil ayaw mo ngang malate at dahil doon eh kung saan saan mo nalalagay ang iyong orasan! (didiretsuhin ko na nga!!) Muntik nang mawala Cp ko sa jeep kasi tae naman sa sobrang pagmamadali paghinto ng jeep eh talon agad ako!!!!!! BUTI nalng kinapa ko ang aking CP di kalayuan sa babaan. Agad akong tumakbo pabalik at buti nalang may mga taong mabagal bumaba ng jeep ang hindi pa nakakaalis. BWIISSIITTT!!!! nakita kong kukunin na sana ng isang lalaking matanda ang CP ko!!!!! AGAD akong tumakbo at kinuha sa kanya ito at sinabing "hehehehe naiwan ko cp ko " SABAY takbo papunta school dahil ako ay malalate na!


Minsan sa sobrang pagmamadali eh nakakalimutan na natin magCR sa ating munting tahanan. AMf matagal ang aking biyahe papuntang school! Minsan eh wala pa nga sa kalagitnaan ang aking biyahe bigla nalang naramdaman ko ang tawag ng kalikasan! AAAAWWwww Hindi ko alam kung anu ang gagawin ko dahil hindi ko naman pwede sigawan yung drayber ng FX para sabihing Huminto muna at iihi ako sa kalsada! Kung kaya wala akong magagawa kundi magtiis talaga hanggang makaabot ako ng paaralan na aking pinapasukan. Ang pinkamalupit pa doon pagbago ang Guardiyang nakabantay sa pintuan eh ayaw kapang papasukin para magCR lang. Ilang beses na akong nagpabalik balik sa Ungas na guardiyang iyon at sinasabi kong "Naiihi na ako! baka pwede mo naman ako papasukin? Hindi naman me tatakas kahit iwan ko pa kayamanan ko sayo" at walangya talaga ang sagot pa naman sa akin eh "Boy maya maya na maaga pa baka mayang 6:45am" TAE! naiihi na nga ako maghihintay pa ako ng ilang minuto para lang pumasok?? Huhuhuhuhuhu..

Minsan kung masiyadong maaga ang aking pagdating sa eskwelahan eh bumibili muna ako ng aking mga makakain! Chocolate sa kanang bulsa, mga candy sa kaliwang bulsa, choco Mucho sa loob ng aking t-shirt, isang inumin sa loob ng aking secret lalagyanan sa bag na hanggang ngayun ay hindi parin nabubuking ng gwardiya, at hamburger na ninipisan ko at tinapalan ko ng mga test paper para di makita ng mga magiinspect. Hindi kasi natin maiiwasan ang hindi magutom sa ilang subject na magkakasunod.


Ang masayang bagay sa tuwing dumarating ka sa eskwelahan eh ang makita mo ang mga classmate mo at ang unang babanggitin mo sa kanila eh "CLASSMate may assignment kaba? pakopya naman" hehehehe pwede ring "ABSENT BA SI SIR O SI MAM?" yan ang mga bagay na aking unang naririnig sa tuwing tatapak ka sa harap ng pintuan ng aming eskwelahan. Hindi na yata uso ang Goodmorning?

Hayy napakawalang kwenta noh?



"Annyong-hi gyeseyo"

Saturday, November 3, 2007

BaSurA?

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Waaaaaaa ang PangeT!!!!!!! hehehehehe huhuhuh natag kasi me! anyweiz basura lang tong post hahahaha.


Yan ang aking desktop! Panay basura! yung mga nasa baba eh mga walang kwenta! Bukas na kasi ang aming MiDTeRm exam kung kaya't ako ay nag-aaral! Panu ba naman kasi eh yung mga lectures namin ay sinend ng nakaPDF ayaw maconvert! kung maconvert man eh hindi ako marunong hahahaha!!!. Ang dami ng folders sa aking desktop panay pictures lang naman ang laman ngunit kahit isa diyan ay wala akong letrato yan ay dahil camera shy ako hehehehe.


Ito kaunaunahang picture sa aking mga enrty hindi kasi ako naglalagay ng mga letrato sa aking ginagawa yan ay dahil sa wala talaga ako mailagay na matino! Marami ding games diyan! Dahil mahilig akong maglaro kapag ako ay tinatamad nang mag-aral(pangparelax lang yan at pangtanggal ng stress) Para naman siyempre hindi puro aral at type ng type at chat ang aking ginagawa.

Yan ha!! walang edit edit yan!! diretsuhang picture agad wala na me tinanggal sa mga yan! hehehehe.

Uyyy Nature nga pala ang theme kasi yan lang ang nakita ko sa wallpapers hehehe(<<---tamad talaga magedit at maglagay ng mga picture para maging background). Napapakalma kasi ako ng mga letrato na ang theme ay nature maganda kasi sila tignan at titigan! Pasensya na talaga at basura ang laman nyan! wala kayong mapapala sa post na ito! nyayyy. Natag kasi ako ni kaibigang Fer-Bert!! HEHEHEHE Apir tayo jan!!!!!

UU nga pala talagang sadyang maliit Yan!! hahahahahaha


[TAG STARTS HERE]My Desktop Free View Instruction:Upon receiving this tag, immediately perform a screen capture of your desktop. It is best that no icons be deleted before the screen capture so as to add to the element of fun.You can do a screen capture by:

[1] Going to your desktop and pressing the PRT SCR(located on the right side of the F12 key - I used key Snipping Tool of Window Vistasince my print screen is not working -).
2] Open a graphics program (like Picture Manager, Paint, or Photoshop) and do a Paste (CTRL + V).
[3] If you wish, you can “edit” the image, before saving it.

Post the picture in your blog You can also give a short explanation on the look of your desktop just below it if you want. You can explain why you preferred such look or why is it full of icons. Things like that. Tag five of your friends and ask them to give you a Free View of their desktop as well.(Don't forget to notify them by any proper means so they'll know you tag them)

Add your name to this list of Free Viewers with a link pointing directly to your Desktop Free View post to promote it to succeeding participants.Desktop Freeview Participants: iRonnie, Thess , Rebecca,Knoizki, Rino, Beng, Melai, OFW Life,Ester, crazed_heck, FER BERT,Tsokolatez{Eminemz} [your link] [TAG ENDS HERE]



UYY PAhabol:

5 friends daw HEHEHE hmmm tag ko sina MCrey,Ahya Jayson,Bez Shey!,Prince champ! at si Chezter Banting! gudluck!




Anung sagoT?

Hay naku sa darating na monday November 5 eh midterm exam n namin!
Nariyan na naman ang mga bagay na hindi ko karaniwang ginagawa, yan ay ang mag-aral!

Walang tulog, cramming sa pagrereview, pagtutok sa ng maigi sa computer para mag-aral,pagsusunog ng kilay kahit walang apoy, pagpila ng mahaba para lang magpapirma ng permit, at ang walang kamatayang pagsusulat ng mga reviewer!.

Ngunit datapwat ang hinding hindi nawawala sa mga exam eh ang kopyahan! OO cheating! Noong sinaunang panahon pa naimbento yan ngunit hanggang ngayon at talamak parin. Siguro pasapasahan lang talaga yan kaya natin namamana. Sabi nga ng ibang tao hindi kompleto ang buhay studyante mo kung hindi ka nagcheat? Totoo kaya yan? Hindi ko alam kasi kapag nagtanong ka naman sa ibang tao kung "nangopya kanaba?" eh siguradong hindi aamin yan! Komopya o magpakopya ay parehas lang! Dahil kung ikaw ay nagpakopya, ikaw ay nag-uudyok sa mga tao para komopya! Siguro kahit mga matatalino at yung mga nerdie at nagpapakopya din ngunit hindi lang nila inaamin dahil takot sila, Oo nga naman kasi parating nakasulat sa mga test papers natin na kung sino ang mahuling mangopya eh Bokya agad!

Hindi ko alam kung bakit nila pinagbabawalan ang pangongopya eh siguro naman pati sila ay dumana narin ng pangongopya! Bakit kaya nila ito pinagbabawal sa mga studyante? Sabi nila para daw hindi tamarin sa pag-aaral eh akala mo naman sila hindi nila naranasan ang tamarin sa pag-aaral kahit papano tiba? Minsan naiisip kung ayaw ko na mag-aral kasi pareparehas lang ang iyong routine sa pang-araw araw. Gigising ng maaga, papasok sa school tapos mag-aaral , then uuwi kana ng bahay at mag-aaral para bukas tapos tulog ulet then gising nanaman at paulit ulit na naman!

totoo kayang hindi tinatamad mag-aral ang mga matatalino? Kasi naman yung mga taong yan eh saksakan ng sinungaling! Halimbawa kapag tinanung mo kung may assignment sasabihin nila wala daw sila! TAe talaga! pero siyempre kung close mo yung taong yun eh pahihiramin kanun! Madamot lang talaga sila minsan hehehe! kaya kung ako sayo! be FRIENDLY pero siyempre dapat walang pinipili ang pagiging friendly dapat lahat maging friends mo at hindi lang pinaplastic at ginagamit lang para ikaw ay umangat!

PSSSSSSSSSSSStttttttttttt!!!!!! wag maINGAY!!!!!!! yan ang parati mong maririnig sa library,sa classroom, sa hallway, sa CR, sa kalye, sa elevator tuwing exam period. Yan aydahil sa lahat nalang ng lugar eh may makikita kang nag-aaral, may nag-aaral ng naglalakad sa kalye, sa hallway, mga nakaupo sa banyo habang nag-aaral(especially yung mga nag may I got out habang nageexam para tignan sagot), at siyempre maririnig mo yan parati sa library!!!! with matching Kring Kring!!!!!! ( bell yan!). Masungit ang mga tao sa library namin! Kulang na nga lang eh ibato nila sa tao ang mga bell! Kasi naman ang ibang studyante eh pumunta lang ng library para magpalamig hehehe aircon kasi ngunit datapwat bawal ang matulog sa library! Kung ayaw mong maDiscipline office ay wag mo gagawin yan!
Pinaayos nila at pinaganda ang aming library ngayun! Nariyan na yung mga harang sa loob ng library kung saan naghahati sa mga libro at mga Tables sa labas na kung saan ang mga walang library card ay nakastambay. Nariyan din ang mga chairs na kung saan kapag ikaw ay nagpapa PHOTOCOPY eh dun ka uupo kung marami ang nakapila! Pero ito ang pinakamalupit!!!! Isang araw pumunta ako library para magpaPHOTOCOPY ng isang lecture na nawala ko hehehehe (pabaya kasi ako sa gamit) nung andun na me binigay ko ang copy then after ng pagkaphotocopy eh!!! WALAAHHHHHHHHHHHH instant nakastaple naaa!!!! (sorry kung masiyadong OA ngayun lang kasi ako nakakita nun) Astig talaga automatic!!! napagicip icip ko na dun nalang ako magpapaPHOTOCOPY parati kasi automatic ang staple hehehehe.

Kung iyong mapapansin eh parating naka capital ang salitang PHOTOCOPY!! iyan ay dahil photocopy naman talaga ang tawag dun at hindi XEROX, hindi ko alam kung bakit xerox tawag nila dun eh brand ng machine yun tiba? Hehe pero anyweiz wala na ako pakialam sa mga taong nagpupumilit na tawaging XEROX iyon dahil wala akong panahong tumambay sa PHOTOCOPY center at singutin ang amoy nun! HEHEHE ang baho kaya sa loob ng PHOTOCOPY center! Hindi ko alam kung paano nakakatiis ang mga nagtratrabaho dun.


Ang HIRAp!!! Yung lecture kasi namin sa isang subject ay sinend through email at ito ay naka PDF! OMG!!! Hirap pag-aralan nun! AYaw kasi maconvert!! Kung macoconvert man eh hindi ako marunong. Wala ring nangahas na magpaHardcopy kasi namin 82pages ang isang lecture! tapos yung isa 17Pages!!! OMG tipid pa sa spacing yan ha! maliit pa font!! OMG talaga!! Kaya wala akong magawa kundi titigan ang monitor at basahin ang mga simbolong nakalagay doon.

ANNYEONG!!!, NI HAW MA!!!!!!!!