Wednesday, October 3, 2007

UBE!!

This coming Sunday Oct. 7, 2007


Kami ay magkakaroon ng aming Ultimate Bonding Experience!! at ito ay gaganapin sa Bulacan... sa Paradise, ahmm actually hindi ko alam kung anu itsura ohh ano ang sasalubong sa akin sa pagpunta ko doon. Basta ang alam ko eh first time ng YFC FEU-EAC chapter na magUBE..

"Many are called but few are chosen"
*wala lang yan paepal na quote ko lang para may malagay*

October 3, 2007 sa FEU food court ginanap ang aming meeting ukol sa UBE. Hindi lang ito basta UBE kundi ito rin ay fellowship astig tiba? nagenjoy kana with your peepz eh nagenjoy kapa Kasama si God.

"For God so love the world that He gave us His only Son"
*yan yung ginamit naming variable kanina sa machine problem sa Objprog*


SA kasalukuyan ay excited na ako sa darating na UBE hindi dahil magswiswimming, ito ay dahil makikita ko na naman ang mga peepz ko at siyempre time ko na to for God tiba????

Habang ginagwa ko ang blog na ito ay maraming disturbo. Nariyan ang maingay mong kapatid na tinuturuan ang pamangkin mo sa mga assignment, ang mga kachat na parehas na walang magawa kundi manuod ng youtube at ang maiingay na elemento pa.(speaker. t.V. ,boses ni mami,boses ng pamangkin,at kung anu ano pang bagay)

Balik tayo sa UBE.. Hindi lang ang UBE ang aking hinihintay nariyan din ang darating na Metrocon. WAw if ever first time ko iyon. Ito ay gaganapin sa Cavite sa Oct. 27-28. Ito ang kauna unahang pupunta ako *if ever payagan* sa gathering na ito.

Bwisit! daming lamok kinakagat ako sana lang eh walang dengue ang mga ito. *pack sabay himas sa mga braso HAy naku bat kasi naimbento ang mga lamok na ito eh sakit naman ang hatid sa akin. Pero sabi nga nila hindi naman ginawa ang mga ito para lang sa wala. At yan ang aking natutunan sa Values!

HAy naku may nagbuzz na naman disturbo sa aking pagtytype pero sige na nga entertain ko nalang muna para kahit papano eh may magawa ako at may magawa din siya.

Adioz.

1 comment:

Rakz said...

hindi ito ang first time na nagkaroon ng UBE ang yfcea..dahil nagstart to sa batch namin..bwahaha! =p