Cleaning time! yan ang kadalasan mong makikita sa tapat ng C.R. dito sa aming paaralan. Itong school na ata ang may pinakamaraming beses na magkaroon ng cleaning time o paglilinis ng banyo sa buong manila(malay ko ba kung meron pang iba, di naman ako gala eh!). Malinis naman ang C.R. at minsan eh ang bango bango pa nito!
Iba't ibang tao ang pumapasok sa C.R. may mga studyanteng halos di na yata umalis ng CR sa harap ng salamin akala mo naman eh may magbabago sa mukha nila! Meron ding mga taong maaarte na kung saan eh maghihintay pa ng mga taong papasok para lang mabuksan ang pinto at sabay takbo palabas, yan ang mga taong di ko maintindihan kung bakit ayaw nila hawakan ang door knob ng C.R., Ang mga babae naman ay kadalasang may mga ritwal pa sa loob ng C.R. Bawat minuto,segundo,milisegundo o anu man eh ayaw paawat sa pagbisita sa C.R. upang humarap lamang sa Isang malaking pader na kung saan nila nakikita ang kanilang sarili.
Ang fourth floor ng aming building ay may dalawang C.R. parehas panlalake. Marami kang makikitang taong naglalabas pasok dito sa lugar na ito hindi para umihi kundi para sumilip sa salamin. Sa tabi ng C.R. ay hindi nawawalan ng Drinking fountain! Sabi nga ng classmate ko eh yung tubig sa drinking fountain ay galing sa loob ng C.R. kung kaya ito ay malamig.
Ang C.R sa 2nd floor ng isa naming building ay ang pinakamainit at pinakamabahong C.R. sa aming paaralan. Ang C.R. na ito ay panlalake. HEHEHE sempre dahil sa unti lang ang dumaraan sa lugar na iyon at kakaunti lang din ang mga classroom doon ay doon pumupunta ang mga lalake para magbawas! (AWWWWWWW) hindi ata sila makatiis hehehehe. Ang main building naman ay may tig dalawang C.R. isa para sa babae at isa para sa lalake.
Hindi ko alam kung bakit tinawag itong C.R. siguro dahil kapag tumapak nga naman ang paa mo sa loob ng kwartong ito eh magaan sa pakiramdam, ito siguro marahil ay malamig sa loob ng kwartong ito.
May mga kakilala akong may ibat ibang ritwal sa C.R. ang kaibigan kong c num1 ay mayat mayat dumadalaw sa C.R. tuwing pagkatapos ng isang subject eh agad na tumatakbo para tignan ang sarili sa C.R. hindi pa nakuntento pati sa sasakyan o sa hallway eh may dalang kapirasong materyal na kung saan nakikita niya ang sarili nya. Si num2 naman eh kung magC.R. eh napakatagal pero wala naman ginawa kundi nakatayo lang sa loob ng kwartong ito.(nagpaparelaks siguro) Hindi ko alam ang rason kung bakit niya gusto doon, at wala narin akong pake sa rason niya. Si num3 naman ang taong palaC.R. hindi para tumingin sa salamin kundi para natugunan ang tawag ng kalikasan! Mahilig pa naman daw bang uminom ng tubig sa drinking fountain ayan tuloy. Si num4 naman ay ang taong kapag pumasok sa loob ng kwartong ito eh maghihintay ng taong magbubukas ng door knob para sa kanya at sabay hahagibis palabas ng Kwartong ito.(may virus ata yung door knob). Si num5 naman ay hindi ko kilala ngunit parati kung nakikita sa loob ng C.R. na walang ginawa kundi tignan ang sarili sa salamin at magbasa ng tubig sabay pahid sa mga buhok niya. Natatawa lang ako sa kanya dahil ilang beses na akong bumabalik ng C.R. eh naroon parin siya!(clue makikita nyo sa parati sa 4th flr na C.R.) yan ang clue para makita nyo siya!
Merong mga lalake pormang porma at maliliit ang bag na kung binuksan mo naman eh kikoy kit pala. Sila yung mga lalakeng Daig ang mga babae sa pagfafacial, paghihilamos,pagpupulbos, pagpapabango, pagpag,pagtapon,pagdaing,pagtakbo,at kung anu ano pang may pag! Iyan ang mga taong makikita mo sa kabilang building na fourth floor din! Marami ding ganyang tao sa ground floor ng aming eskwelahan!
Ang saya tiba? Kaya anu pang ang hinihintay mo? Punta kana rin ng C.R. at makisaya sa mga pangyayari doon!
1 comment:
Nyhahahahaha!
Natawa naman ako sa CR!
I'll tell you the secret kung bakit hinihintay na may magbukas ng pinto, kasi basa yung door knob at nakakadiri hawakan! Nyahaha...
ako kasi lagi nagbubukas ng pinto eh...
Post a Comment