Ako ay isang simpleng mag-aaral sa isang unibersidad sa Manila. Ang aking kurso ay may relasyon sa kompyuter. Kung bakit pinili ko yang kursong yan? hindi ko rin alam, mukha kasing mabango ang pangalan at marami ang kumukuha nyan ngayun.(Naki In lng parang gnun). Yang kursong yan pala ay may kinalaman sa mga design! Anak ng tokwa wala akong alam sa designing ni sa programming nga eh tuyo na utak ko hindi sa kaiisip ng logic kundi sa kaiisip ng oras kung kelan na kami palalabasin. Mahigit two hours kasi bawat subject ang aking pinapasukan.
Tuwing Monday ay 11-3pm lang ako, hay sagwa schedule ko kasi tanghali ang hirap sumakay ng sasakyan mainit na nga traffic pa! Kapag thursday naman ay 7-3pm lang ako buti nalang may laboratory ako ng umaga para malamig pa habang ako ay pumapasok sa eskwelahan. Tuesday at Friday naman ang schedule para sa mga nagdidie, Kasi naman 7-9 ang klase sa umaga pagkatpos may isang oras kang break! Isang oras lang!!! kulang pa para magreview at kumain! Ang susunod naman ay ang 10-5pm!(walang break!) diretso hanggang 5pm keya nga bangag kana sa huling subject mo eh ang last subject ko pa naman eh logic din ang gagamitin mo panu pa naman ba sa subject na yun kelangan mong maging friendly kina 1 at 0 dahil sila ang iyong makakasama sa exam,seatwork,homework,Long quiz, short quiz, pop quiz, cheating quiz, quiz quiz at kung anu pang quiz!
Uu nga pala ako ay nakatira sa isang bahay. Isang bahay na nasa boundary ng Caloocan at Quezon City. Parating maingay sa tapat ng bahay, iyan ay dahil sa mga taong naglalaro sa court, yupz katapat kasi ng bahay namin ang covered court sa amin keya yun maingay. Magulo nga sa court pero masaya din, dahil marami kang makikitang aksyon!, may naglalaro ng basketball,volleyball, tennis,patayan,sasaksakan,iyakan,nagrarally,nagsusuntukan,nagtutulakan,nagtatakbuhan,takutan,duguan,
dinuguan,papaitan,sinigang, at kung anu ano pa. Pero kahit na magulo jan eh masarap parin manirahan jan.
Ako ay may ipinanganak sa isang hospital, hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na matanong kung saan ako pinanganak dahil wala na ako pakialam kung saan man iyon. Ang alam ko lang eh nagkamali ng lagay ang nanay ko ng aking pangalan sa birthcertificate. Hehehe ayos yun dahil nung lumaki na me eh nagkaroon ng mga problema dahil sa pangalan ko. Pumunta kami city hall para lang ipaayos ulet ang aking name! (sayang dapat nagpalit nalang me name).
Sa aming eskwelahan eh maraming tao! Siyempre paaralan iyon! Kabilang ako sa isang seksyon na mga pasaway, iba iba ang hilig ng mga kaklase!, may naguusap,nagaaway,nagkokopyahan,nagkakantahan,nagaasaran,nagpupustahan,may naglalako ng paninda,nagtetext sa mga jowa, nagsusulat ng love letter, nagsusulat ng notes,natutulog,kumakain,nagdradrawing,naglalaway,nanghahampas ng katabi,at meron din namang mga nakikinig sa professor.
Marami din naman akong kaibigan kahit papano! Sila ay sina Baboy, Emogay,instik na nagpupumilit maging koreano, isang pinakahari ng sablay,chixilog na baboy,bez,bakekang, isang anak ata ni pangulo kasi parehas apelyido, isang batang sobrang seryoso yung tipong kahit bayaran mo eh hinding hindi ngingiti, batang mahilig sa programming, boy design, Sina concert diva at concert king, si batang mahilig sa mga telenovela, si manager na namamahala ng aking mga programa at mga billboards ko, si manang, si kuyang mahilig sa dota, si manong na mahilig sa yosi, boy version ni kyla, at marami pang iba hindi ko sila maenumerate eh!
Meron din naman akong mga close friends anjan si Aya! na parati akong pinipilit mag-aral, siya nagbibigay ng motivation sa akin heheheh, Ang aking pamilya sa eskwelahan! na nagbabantay parati sa akin at parati nila ako check kung ako ay okey, sila yung parating nagprapray para sa akin. Hinding hindi ako nalulungkot sa paaralan dahil parati sila nariyan sa akin.Thankz nga pala sa kanila.
1 comment:
Hehehe... Special mention pala ko ah... Salamat din sa lahat...
Post a Comment