Friday, September 5, 2008

MY FIRST ONLINE GAME



OZ WORLD,is the first online game I ever play, Nagsimula ito nung ako ay First year high school. Umuwi ang brother ko na may dalang black card na nagmula sa Level UP.Yun kasi yung magiging access mo sa game para mavalidate ang account mo sa Oz world.

Pero anu nga ba meron sa oz world?First of all ito ay isang 3D chat online game na wala kang gagawin kundi mangisda para kumita ng pera para pambili ng iyong mga gamit tulad nalang ng mga damit pang porma.May mga kasiyahan din naman tulad ng mga kakaibang events na ginagawa ng mga admin para magkaroon ng kasiyahan sa game tulad nalang ng House Warming event na kung saan eh magpapagandahan kayo ng bahay.Ang FISHING contest kung saan magpapalakihan kayo ng nahuling isda.

Ang Oz world ay hindi nalalayo sa Kultura ng mga Pilipino dahil sa tuwing may event sa Pinas eh ginagawa rin ito sa loob ng laro. Tulad nalang ng Flores De Mayo na kung saan eh nagkakaroon ng parada sa buong town, at siyempre pabonggahan din ng kasuotan.

Sa Oz world ako unang natutong makipagenteract sa ibang tao, kasama ang mga ka clan mates ko eh inienjoy namin ang laro sa pamamagitan ng pagpapakilala sa iba pang tao.Kung kaya naman nang nilabas nila ang RO to eh ang una mong makikitang player eh mga taga Oz world na walang ginawa kundi magkwentuhan sa Prontera dahil hindi nga sanay magpalevel hehehe, Yupz First players ng RO PH eh mga tao din sa Oz world dahil day before launch ng RO ph eh nagkaroon ng OZOlympics na ginawa sa Marikina River Banks NA kung saan naging miyembro ako ng Pine ^^, WooT~ 2nd place kami overall at ang price namin ay 1 ticket sa kahit anung sinehan.After ng ilang araw ng event na iyan ay nilabas na nila ang RO. Hays kitang kita mo talaga sa mga tao kung sinu ang nanggaling sa OZ at ang mga baguhan, dahil kapag oz world member ka eh nakaupo kalang sa town at nakikipag kwentuhan hehehe ^^,

Ngunit hanggang ngayun eh bumibisita parin naman ako sa oz para tignan ang mga pagbabago :P

Happy Gaming